Wattpad Original
This is the last free part

FALLEN 2: Forbidden and Beyond Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust-Chapter 9)

8.1K 324 208
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust-Chapter 9)

"Adelise! Nakaramdam kami ng masamang kapangyarihan sa labas ng monasteryo," narinig kong sabi ng isa sa kasamahan ng madre ng sinalubong siya ng mga ito. Natatawa akong isipin na hindi nila ako maramdaman kahit na kasama ko lang sila at sa isang iglap kaya ko silang patayin lahat.

"Kailangan kong lumabas."

"Pero Adelise—"

"Sis. Lindsay, ako ang kailangan niya."

"Paano mo nasabi?"

"Narinig ko ang demonyong tinawag ako."

"Paano—"

"Wala ng panahon para magpaliwanag pa ho ako." At bago pa nila napigilan ang madre, lumabas na ito.

Kung maka-asta parang hindi bulag.

Susundan ko sana ang madre ng may narinig akong nagsalita. "Naramdaman ko na ito noon, tatlong beses pero mas malalakas. Subalit alam kong malayo ako sa pinaka-source ng masamang kapangyarihan. Subalit ito nasa harapan na mismo natin at wala tayong magawa."

"Sasamahan ko si Adie—"

"Tumigil kayong dalawa, Lindsay, Grace."

"Pero Mother Superior—"

"Hindi pababayaan ng Diyos si Adelise. Ipagdasal na lang natin ang kaligtasan niya."

Mukhang ikaw lang lalaban sa laban na ito, Madre. Pero titingnan ko muna kung ano magagawa mo.

Hindi alam ni Asmodeus kung matatawa siya o maiinis sa nakikita niya. Mabilis siyang nagtago sa isang taas ng puno at itinago ang presensiya niya sa lahat. Sa lahat ba naman ng demonyong susulpot ngayon, ito pang mukhang kuhol na ito.

Baalzebul, ang demonyo ng kasinungalingan.

Isang napakapangit na demonyo na mukhang kuhol na binabulatan ng mga nakakadiring bagay na may maliliit na kamay.

Sa totoo lang hindi naman ganito ang hitsura niya noon kaso ng kinalaban niya ako noon, ginawa ko siyang ganyan para parusahan siya. Ang pangit pa rin niya hanggang ngayon.

Swerte pa din ang madre dahil hindi niya nakikita ang napakapangit na nilalang na ito.

Nakalabas ang maliit niyang espada at nakaturo sa posisyon ni Baalzebul.

Tanga. Mangmang.

Kahit na nalaman ko na nagmula ang maliit na espada niya sa 'Flame sword' ni Uriel, wala pa din itong laban sa pangit na si Baalzebul.

"Ikaw pala ang tagapagbantay ng dalawang libro ng langit." Tapos ngumisi siya. "Sabihin mo sa akin, Madre, sa anong paraan mo gusto mamatay?"

Tiningnan ko ang Madre. Walang mababakas na takot sa mukha niya.

Maganda nga, saksakan naman ng mangmang.

"Umalis ka na dito, demonyo."

Kakaiba ang tono na iyon ng Madre. Hindi ito katulad ng tono niya kapag kinakausap niya ako o kahit noong binabantaan ko siya.

Hindi ko din gusto ang tono na iyon, mas ayaw ko noon kaysa sa mga ngiti niya.

"Matapang ka pero alam mo dapat kung kailan iiwas sa gulo."

At nakita ko na lang na bubuga ng asido ang kuhol na iyon at tatamaan ang madre. Bago pa ako makapunta para pumagitna, nakita kong mabilis nailagan ang atake at mabilis binato ang maliit niyang espada sa posisyon ni Baalzebul.

icon lock

Show your support for Mhabs Quizon, and continue reading this story

by Mhabs Quizon
@sunako_nakahara
Adelise has only known darkness her whole life. But this blind girl h...
Unlock a new story part. Your Coins help writers earn money for the stories you love.
See how Coins support your favorite writers like @sunako_nakahara.
FALLEN 2: Forbidden and BeyondWhere stories live. Discover now