Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

FALLEN 2: Forbidden and Beyond Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust-Chapter 8)

6.5K 297 80
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)

Chapter 8

Minsan hindi ko alam kung bakit ko pa siya tinitingnan. Minsan hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan ko siya ng panahon para subaybayan kahit madali ko lang siya mapapatay sa isang pitik ko lang.

Bakit nga ba?

Siguro kasi binibigyan niya ako ng isang bagay na matagal ko ng hindi nararamdaman.

Nililibang ako ng madre.

Imbis na pinapanuod ko siya sa dimensyon ko, mas pinipili ko ang lumapit sa kanya. Mas pinipili ko ang makasama siya kesa ang bulabugin ako ng mga kapwa ko demonyo.

Gaya ngayon, nasa ilalim kami ng monasteryo. Nakikita ko siyang nakaluhod sa harapan ng Diyos nila. Sa isang krus na sinasabi na simbolo ng kaligtasan.

Maililigtas kaya niya ang madre na ito sa kapahamakan? Kailan kaya niya ako maililigtas?

Napailing ako sa mga iniisip ko. Kailan ko ba naisip ang mga ganitong bagay? Wala akong ganitong pakiramdam noon. Siguro ito ang epekto ng binuhay ako muli ni Lucifer. Nakakainis talaga ang Hari na iyon, alam kong nakakadena ako pero hindi ibig sabihin noon kaya niya ako patayin dahil sa higpit ng kadena.

Mas mahigpit ang kapit, mas matindi ang pagnanais kong manaig.

Mapatay ko lang ang Nephilim at matupad ko lang ang misyon na ito, makakaalpas din ako.

Mawawala ang lahat ng mga gumugulo sa isip ko.

"May kakaiba ngayon sa'yo, Demonyo," narinig kong sabi niya habang nakatalikod pa din. Napangisi ako, masyadong matalas ang pakiramdam ng tao.

Dahil totoo, may kakaiba sa akin ngayon.

Unti-unti lumapit ako sa kanya, nakikita kong tumayo siya sa pagluhod niya. Kahit paghakbang ng mga paa ko hindi naririnig. Tahimik ang buong paligid hanggang sa maramdaman ko yung unang harang na pumigil sa akin noon. Pero hindi gaya ng una, hindi ko ito inatake. Humakbang lang ako hanggang sa maramdaman ko ang konting kiliti na dulot ng harang.

At nakalagpas ako.

Mas napangisi ako. Sa wakas, nakapasok na ako.

Paano? Sabihin na lang natin na may ginawa ako na makakatulong sa akin sa misyon na ito at higit sa lahat, ang pinakahangarin ko ay matutupad na din.

Kakaibang pakiramdam na mas malapit ka sa Diyos nila.

Tiningnan ko munang mabuti yung Krus bago ako humakbang muli. Hanggang sa nilagpasan ko yung tao at mabilis na pumunta sa ilalim mismo ng Krus.

Parang gumaan yung pakiramdam ko. Ganito pala kapag nasa ilalim ka mismo niya.

"Masarap sa pakiramdam, hindi ba, Demonyo?"

Nawala ako sa iniisip ko at sa isang kisapmata ay bumalik ako sa posisyon ko kanina. Hinarap ako ng Madre at nagulat ako kasi nakangiti siya sa akin. Tumigil bigla ang mundo ko.

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko yung puso ko—

Puso ko? Sandali. Mali.

"Bakit ka nakangiti, madre?" sabi ko.

"Naramdaman ko na nagustuhan mo sa ilalim niya. Naramdaman mo ba? Kapag pinili mo na mapailalim sa kanya, makakaramdam ka ng kapanatagan at proteksiyon na walang ibang makakabigay."

"Hindi ko kailangan ng proteksyon ng Diyos niyo."

"Pero alam ko na gugustuhin mo na mapanatag na."

FALLEN 2: Forbidden and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon