Wattpad Original
Осталось ещё 7 бесплатных частей

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Part 1: Adelise (The Blind Spirit)- Chapter 2)

13.7K 449 90
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

PART 1: ADELISE

Chapter 2

"Gaano kahirap maging bulag?"

Hindi ko siya naramdaman. Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Nasanay ako na nararamdaman ko lalo na kung may taong malapit sa akin. Sa gulo ng mga lansangan, nasanay ako pakiramdaman lahat ng tatabi o lalapit man lang sa akin. Hindi ako nakakakita kaya ang pandinig, pang-amoy at ang pakikiramdam ko sa paligid ko ang pinaka-sandata ko para mabuhay sa magulong mundo na ang tanging nakikita ko ay ang walang hanggang kadiliman.

Kaya ako nagulat ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Kahit gusto mo makita ang kulay ng alam mong madumi mong paligid, naniniwala ka na lang na itim na lang lahat," mahina kong sabi sa kanya

Naramdaman kong may inilagay siya sa maliliit kong kamay. Amoy ng kanin at ulam. Walang pasabing kinain ko na, kahapon pa ang huling kain ko at kalahating matigas na tinapay lang iyon. Narinig ko siyang natawa, hindi ko alam kung sa akin bang sagot o sa pagkain ko.

"Mas maganda na nga siguro na hindi mo nakikita ang ganitong klaseng mundo. Minsan, mas maganda na ignorante ka sa ganitong tanawin kesa kasuklaman mo ang mundo dahil hindi na ito ang paraisong ginawa ng Diyos."

Sa lahat ng sinabi niya, ito lang ang tumatak. "Diyos?" tanong ko

"Oo, Diyos. Kilala mo naman siya hindi ba?"

Kilala ko nga ba siya? "Makikilala po ba siya ng isang 9 na taong gulang tulad ko?" sinagot ko sa kanya habang sinisimot ko ang pagkaing binigay niya.

"Hindi iyan sa edad, sa paniniwala 'yan." Naramdaman ko na may inilagay siya sa may labi ko, ininom ko iyon. Tubig pala, kaya lang parang hindi napapawi ang uhaw ko.

"Ang pinaniniwalaan ko lang po ay dapat mamatay na ako." Kulang pa din ang tubig.

Naramdaman kong gumalaw siya, hanggang napansin ko na nasa unahan ko na siya tapos kinuha niya ang kamay ko. Nagulat na lang ako ng nakaramdam ako ng tubig na binuhos sa kamay ko. Hinuhugasan niya kamay ko tapos, pinunasan niya ang mukha ko.

"Salamat po." Sa lahat.

Alam kong tinitingnan niya mukha ko pero hindi gaya ng iba na tinitingnan ang mukha ko at nakakaramdam ako ng inis, ayos lang sa akin na tingnan niya ako.

"Ang ganda ng mata mo."

"Kakaiba pero wala pong silbi."

"Meron iyan. Hindi mo pa lang nalalaman."

Ano pa bang silbi ng mata? "Magulo po kayo, ano?"

Natawa ulit siya tapos ginulo niya ang buhok ko. "Madaming nagsasabi niyan sa akin. Sandali, ano nga palang pangalan mo?"

Napatigil ako. Ano nga ba ang pangalan ko? "Wala po akong pangalan."

"Pwede ba naman iyon?"

"Opo, ako po, walang pangalan."

"Nasaan ba mga magulang mo?" bigla niyang tinanong sa akin.

"Hindi ko po alam."

"Iniwan ka nila dito?"

"Wala po akong alam. Ang nag-iwan po sa akin ay ang mga kapitbahay ko po. Sawa na silang alagaan ang bulag na tulad ko."

"Gusto mo bang pangalanan kita?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Nasanay ako na Nene ang tawag, o kaya Bulag. Pero iba pa din ang may sariling pangalan.

Iba pa din ang may sariling pagkatao.

FALLEN 2: Forbidden and BeyondМесто, где живут истории. Откройте их для себя