PROLOGUE | Speed Away

5.5K 50 1
                                    


No one acts more foolishly than a wise man in love.

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | VOW TO THE PRINCE

PROLOGUE | SPEED AWAY

DAMIEN

I didn't mean it. I... I blacked out and...

"Why did you do it?"

Hindi ko tinapunan ng tingin si Saryna na siyang nagda-drive ng kotse ko. Everything was a mess right now. What we left behind was a fucking mess. I didn't know what happened. I didn't know why I did it.

"I-I didn't mean it. I didn't mean it, Saryna..."

Of course, I didn't mean it. I was not like that. I am not that kind of person.

"What do you mean, Damien? Why?! Just why?!"

Dama ko ang frustration sa boses ni Saryna. Iyon din naman ang laman ng isip ko. Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko kung bakit ko nagawa iyon. Hindi ko napigil ang pagtulo ng luha ko at napapikit ako at patuloy na umiiling. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi ko na pansin kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ni Saryna sa kotse ko. My fucking car that I never let her drive but right now, she was holding the wheel and she was driving fast above the city's speed limit.

Wala kaming kibuan ni Saryna habang nagmamaneho siya. Pareho kaming umiiyak. Pareho kaming natatakot. Pareho kaming tumatakas mula sa pinangyarihan ng gulo na sigurado akong kalat na kalat na sa lahat ng tao. All I ever wanted was to be on the sidelines. I didn't want people to see me. But with what happened, what I did, I knew for sure my face, my name would be on the spotlight.

Who could help us in this situation? I couldn't ask for my parent's help. No. Definitely not. I didn't want them know what I did. I didn't want them to see that I am a monster. I am not like that. I grew up a disciplined and calm person. That was not me. I couldn't even hurt a fucking fly.

I looked at my hands. It was shaking. The smell of the drying blood was assaulting my nose. I closed my eyes but I immediately opened it because all I could see was myself becoming a monster.

Then I heard Saryna screaming. "Shit! Shit!"

Lalo lang niyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Napapitlag ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na tunog ng kung ano. Parang pumuputok. Napasigaw pa si Saryna nang biglang may lumusot sa windshield ng sasakyan mula sa likod. Nabutas iyon.

May bumabaril sa amin.

Lumingon ako at nakita kong may dalawang itim na SUV ang nakasunod sa amin. Nakadungaw mula sa bintana noon ang isang lalaki na may hawak na baril at pinapaputukan kami. Napapasigaw si Saryna sa tuwing makakarinig ng putok ng baril pero nanatiling nakahawak ang kamay sa manibela at lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Hindi tumitigil ang pagpapaputok ng kung sino man na nasa likod namin.

I knew for sure that those men that were chasing us wanted me.

"S-Saryna, t-they are chasing us." Napapiyok pa ang boses ko sa sobrang kaba. "T-They're going to kill us, Saryna." Nakalingon pa rin ako sa humahabol sa amin. Kitang-kita ko sila dahil basag na ang rear windshield ng sasakyan ko. Ngayon ako nagsisi kung bakit hindi pa ako pumayag noon sa gusto ng mommy ko na ipa-bulletproof ang sasakyan ko.

"I know, Damien! I fucking know that! Fuck!" Ang lakas ng boses ni Saryna na nanatiling nakatutok ang paningin sa kalsada.

"Do something! Please, don't let them catch us. Please help me!" Punong-puno ng pakiusap ang boses ko. Sa pagkakataong ito, siya lang naman ang makakatulong sa akin.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)Where stories live. Discover now