CHAPTER SIX | Bad Reputation

1.3K 15 2
                                    


You can't keep a clean reputation by hanging out with messy people.

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO

CHAPTER SIX | BAD REPUTATION

Peyton

Ang lambot ng labi niya. Ang sarap halikan. Parang ayaw ko nang itigil ito.

Pero nang marinig ko ang malalakas na sigaw ng mga nasa paligid ko at naalala ko na kapag nakita ni Owen ang ginagawa ko, baka kung ano ang gawin niya sa lalaking kahalikan ko ngayon. Mabubugbog pa ito nang dahil lang sa dare at kagustuhan kong masolo ang five thousand pesos na ibibigay ni Pasquale. Mabilis akong humiwalay sa pagkakahalik sa lalaki at kitang-kita ko ang kalituhan sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Umalis ka na." iyon ang sabi ko sa kanya at tumingin ako sa paligid. Lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa amin at nagsisigawan pa. Ang ganda ng ngiti ni Pasquale at ipinapakita pa sa akin ang limang isang libo na iwinawagayway nito sa ere.

"W-what?" nagtatakang sabi niya.

Bahagya ko pa siyang itinulak. "Umalis ka na. Umalis ka na dito kung ayaw mong masaktan. Get out of here." Lalo ko siyang itinulak at napaurong pa siya sa ginawa ko.

"B-but-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. "Can you guys let him out?" Malakas na sabi ko sa mga nakapaligid sa amin. "I think he doesn't belong here."

Kitang-kita ko na naguguluhan ang lalaki sa sinasabi ko at nagulat siya nang ilang mga lalaki din ang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso para kaladkarin palabas. Sinisenyasan ko talaga ang mga iyon na palabasin na ang lalaking hinalikan ko para hindi na siya maabutan ni Owen. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Halatang gulong-gulo ang lalaki habang ilang mga bisita doon ang bitbit siya para palabasin na. Mabuti na 'yon. Sigurado akong pagkatapos gumamit ng drugs ni Owen, fighting mood na naman ang isang iyon at kapag nalaman na ganoon ang ginawa ko, siguradong magwawala at siguradong masasaktan ang lalaki. Mukhang mabait pa naman at mukhang walang alam sa mundo. Mukhang madaling mabully.

"This is your five thousand, Peyton. Iba ka talaga. For the love of money, you will do anything. How about... we go upstairs and lock inside a room and I can give you more than five thousand." Kumindat pa sa akin si Pasquale habang inaabot sa akin ang pera na napanalunan ko.

"You know the rules, Pasquale. If you want her, you need to talk to me. You cannot directly get her services without talking to me."

Alam ko nang si Owen iyon at naramdaman ko na nga na pumulupot na ang kamay niya sa baywang ko. Naririnig ko pang panay ang singhot niya dahil sa kagagamit na drugs.

Nakataas ang kamay na umaatras palayo sa akin si Pasquale. "I just gave her, her prize, man. I was just joking."

Takang tumingin sa akin si Owen. "Prize? What did you do?"

Napaawang ang bibig ko at hindi ko malaman ang sasabihin ko. Gusto kong batukan si Pasquale at bakit kailangan pa niyang sabihin iyon? Kukunin lang ni Owen ang napanalunan ko. Sayang din 'tong five thousand na masosolo ko na sana.

"She did a dare. Kissed someone who looked innocent. And she did." Sabi pa ni Pasquale.

Seryosong tumingin sa akin si Owen tapos ay tumingin sa paligid.

"Where's the fucking guy?" tanong niya.

"I-it's nothing Owen. I just did it for the money. Look," ipinakita ko sa kanya ang pera. "I got the money."

Hindi sumagot si Owen pero kinuha niya ang pera na ibinigay ni Pasquale sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ng mariin ang braso ko at hinila ako paalis doon para makaakyat kami sa itaas. Kahit ayaw kong sumama ay wala naman akong magagawa kaya sumunod na lang ako. Dumeretso kami sa isang kuwarto at pinapasok ako doon ni Owen. Pumasok din siya at ini-lock niya ang pinto. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang inaalis niya ang belt ng suot niyang pantalon tapos ay ang mga butones nito.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)Where stories live. Discover now