CHAPTER TEN | WAVE OF YOU

2.3K 14 3
                                    


What is meant for you will come to you.

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO

CHAPTER TEN | WAVE OF YOU

PEYTON

Sa tuwing hindi umuuwi si Owen sa bahay at matagal na nawawala ay talagang ipinagpapasalamat ko. Walang nangungulit sa akin. Walang nanghaharass. Pagkatapos ng booking niyang date sa akin kagabi, wala na akong narinig sa kanya. Hindi na nga niya ako sinundo doon sa restaurant kung saan ako dinala ng lalaking isinet niya ng date sa akin. Napaikot pa ako ng mata nang maalala ko ang Juancho na iyon. Napakayabang pero ang kuripot naman. Naalala ko pa kagabi na tipid lang daw dapat ang orderin namin dahil ang laki-laki ng ibinayad niya kay Owen para mai-date ako. Na kaya lang naman daw niya ginawa ay para maipagmayabang niya sa mga kakilala niya na sumama akong makipag-date sa kanya. Those fucking losers who would do anything just for the sake of making their names famous. Another asshole who would brag that they dated me, kissed me and touched me. Ang iba nga nagmamayabang pa na naka-sex din daw ako sa kama. Hindi ko na lang itinatama dahil nakakapagod namang mag-explain. Alam ko naman na walang maniniwala.

Palabas na ako ng bahay ng mga Conti para pumasok sa eskuwelahan nang makasalubong ko si Mrs. Conti. Agad akong bumati sa kanya at as usual, mula ulo hanggang pa na naman ang tingin sa akin. Tinitigan pa maigi ang suot kong damit at lumapit pa tapos ay tiningnan ang likurang bahagi ng suot kong three-fourth sleeves blazer.

"Is this original Ralph Lauren? Where did you get this?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

Pilit akong ngumiti. "Sa ukay-ukay lang po, Mrs. Conti. Nabili ko po ng five hundred pesos."

Umangat ang gilid ng labi niya at bahagyang lumayo sa akin tapos ay talagang tinititigan ang suot ko.

"Five hundred? For that blazer? Did you know how much that cost? That's two thousand one hundred dollars in their website. I know it because I have been eyeing to buy something like that too." Ngumiti siya sa akin pero hindi ko maintindihan kung bakit nakakakaba ang pagngiti niyang iyon. "Are you sure you bought that in an ukay-ukay? You didn't steal it from someone?"

Napalunok ako at pinigil ko ang sarili ko na sumagot ng hindi maganda. Pilit kong ipinapasok sa isip ko na si Mrs. Conti ang kaharap ko. Siya ang nagpapaaral sa akin. Siya ang nagpapasuweldo sa nanay ko.

"Hindi po, Mrs. Conti. Hindi po ako magnanakaw. Matiyaga lang po talaga akong mamili sa mga ukay-ukay. Dumadayo po talaga ako kapag alam kong mayroong mga bagong bagsak. Wala naman po kasi akong pambili ng mga mamahaling damit kaya nagtitiyaga po akong maghanap doon para makasabay sa mga estudyante sa Enderun." Iyon na lang ang nasabi ko.

"And I am impressed that you can find valuable things like that in those thrift shops. That's why I like you, Petra. I really see myself in you before. I was also like that. You are very resourceful just to impress people around you. But keep in mind who you really are. Kahit lagi kang kasama ng mga anak ko at nadadamay sa pagiging sikat nila sa university ang pangalan mo, lagi mong tatandaan na anak ka lang ng katulong. Okay?" nakangiti pa sa akin si Mrs. Conti pero damang-dama ko ang pangmamaliit niya sa akin.

"Opo, Mrs. Conti. Hindi ko po iyon nakakalimutan."

"Good. Have you seen Owen? Two days na siyang hindi umuuwi." Tanong pa niya.

Umiling ako. "Hindi rin po niya sinabi sa akin kung nasaan siya."

Napahinga siya ng malalim at maasim na ngumiti sa akin. "All right. Go. Pumasok ka na at huwag mong sayangin ang ibinibayad ko sa eskuwelahan na iyon." Pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ako.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon