CHAPTER THREE | MEET ME AT THE SPOT

923 17 0
                                    


Gentleness does more than violence – French Proverb

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO

CHAPTER THREE | MEET ME AT THE SPOT

Damien

Nakatutok ang pansin ko sa pagmamaneho at hindi ko pinapansin ang kapatid kong si Danny na kaninang-kanina pa may mga kausap na kung sino-sino sa telepono niya. Mukhang may gimik na naman ang isang ito at sigurado akong iinit na naman ang ulo ni Mommy dahil uumagahin na naman ito ng uwi.

Ito ang sobrang pagkakaiba namin ni Danny. Mabarkada ang kapatid ko. Nag-aaral naman pero mas madalas, mas inuuna ang pakikipagbarkada at pakikipag-party kung saan. Last week, three days na hindi umuwi. Nalaman na lang namin na nag-out of the country pala at pumunta ng Japan. Galit na galit si Mommy lalo na nang malaman na kay Daddy pala nagpaalam at at pinayagan naman. Nag-away sila Mommy at Daddy noon. Kahit hindi sila nagsisigawan, ramdam na ramdam ko na galit si Mommy kay Dad. Narinig kong sinabihan ni Mommy si Dad na kunsintidor sa anak. Pinapabayaan na mapariwara. Katwiran naman ni Dad, pabayaan daw si Danny na matuto. Lalaki naman daw at walang mawawala. Kung magkaka-trouble naman daw, kayang malusutan dahil Rozovsky ang nakakabit na apelyido sa pangalan.

Kaya ito ang kapatid ko. Living like a king and always bragging that he was untouchable because he was a Rozovsky. Parehong-pareho ito saka ni Saryna. I remember my cousin yesterday when she stayed in our house. I knew just to kill time and to dodge her siblings. Kahit naman maiwasan niya ang mga kapatid niya, hindi pa rin naman siya makakaligtas sa akin. I saw a fucking hickey on her neck and I made her tell me who gave it to her. I knew I couldn't do anything with what she was doing. The only thing I could do was to take care of her. After all of what happened, all she needed right now was understanding especially from me.

Si Saryna din ang reason bakit hindi ini-enroll ni Mommy sa pinapasukan kong university si Danny. Baka dalawa pa daw ito at ni Saryna na magwala doon. Saryna had been a pain the ass to her family. Lagi na nga lang tumatawag sa akin si Ate Soms para isumbong ang mga ginagawang kalokohan ni Saryna. Fortunately, my cousin listens to me. Thank heavens for that. At least kahit isang tao ay may pinapakinggan pa rin siya at ako iyon. Pero hindi ko pa rin naman masaway. Gagawin ni Saryna ang lahat ng magustuhang gawin kahit pa nga alam na masesermunan lang siya.

"Whose party?"

Tinapunan ko ng tingin si Danny habang patuloy sa pakikipag-usap sa telepono niya. Party na naman. Hindi na ba nagsawa ito sa kaka-party?

"Kay Solstice? Gagi, solid 'yong suntukan ni Ike and Butch." Tumatawa pa siya. "Sobrang napikon si Ike kasi ibinuko ni Butch. Ipinagmamalaki ni Ike na nayari daw 'yong naka-date na babae. Only to find out that they both dated the same girl on that same night. At sinabi ni Butch na hindi naman pala totoo na nayari ni Ike 'yong chick kasi hindi niya kaya ang rate."

Napailing na lang ako at hindi ko na pinansin ang kapatid ko. Paulit-ulit na lang naman kasi ang naririnig ko. Parties. Booze. Some uses drugs. Iyon lang talaga ang pinapagalitan ko siya. Sinasabi ko sa kanya na mag-party siya hanggang gusto niya pero huwag na huwag siyang magda-drugs. Isa din iyon sa kabilin-bilinan ni Daddy. Pero malabong hindi ginagawa ni Danny. I found his marijuana stash inside his room but I didn't tell anyone. I am not a snitch and especially to my brother. We were so much different but definitely, I won't be the reason why my parents would scold him.

"Maganda naman kasi talaga 'yong chick. Peyton has been making history in Louis. The chick is counting dicks." Natatawa pa ring sabi niya.

Louis International school. This was where my brother attending his college. Third year taking up BS Entrep. Wala namang plano talaga tong si Danny kung ano ang kukunin niya. Kung ano na lang ang kinuha ng mga kabarkada, 'yon na rin ang kinuha niyang course.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)Where stories live. Discover now