CHAPTER NINE | DO IT LIKE A DUDE

898 14 3
                                    


Those who brag, don't have.

THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO

CHAPTER NINE | DO IT LIKE A DUDE

DAMIEN

Saryna had been dodging my calls.

Alam kasi niya na malaki ang kasalanan niya sa akin dahil sa ginawa niyang pagsi-set-up sa akin ng date sa kaibigan niya. Alam niya na wala akong kahilig-hilig sa mga ganoon tapos biglaan pa? Talagang makakatikim ng matinding sermon sa akin ang isang iyon.

Kagabi ko pa siya tinatawagan. Kahit sa bahay nila, hindi ko siya makontak. Pinuntahan ko na sa bahay nila pero wala din siya doon. Ate Soms told me that even she didn't see Saryna yet. Mukha daw nakababad na naman sa kung saan at kung ano-ano ang pinagkakaabalahan.

Kaya kinabukasan, siniguro kong magkikita kaming dalawa. Alam ko naman kung saan siya madalas na tumatambay. Mayroong sariling spot sa university si Saryna at ang mga kaibigan niya na sila lang ang puwedeng mag-stay. May tatak na niya iyon. Off limits sa ibang mga estudyante. Pagdating ko doon ay napakunot ang noo ko dahil naroon nga ang pinsan ko pero naroon din ang kapatid ko. Nagtatawanan pa ang dalawa at sige ang pagsisigarilyo at pagbubuga ng usok.

Pakiramdam ko ay umusok din ang ilong ko. Ano ang ginagawa ni Danny dito? Dapat nasa Louis siya pero dito siya tumatambay? Hindi na naman siya pumasok.

"Danny. Saryna."

Pareho silang napatingin sa akin at alam kong kita nila sa mukha ko na hindi ako nakangiti. Na naiinis talaga ako. Pero hindi ko man lang kinakitaan ng pag-aalala ang mukha ng dalawang ito. Nagtawanan pa nga nang makita ako tapos ay nagpatuloy sa mga ginagawa nila.

Napasinghot ako sa hangin at lalong dumilim ang tingin ko sa kanila. They were not smoking regular cigarettes.

They were smoking a fucking weed.

Inside the university that I knew prohibits using this kind of illegal substance.

Inis kong pinagkukuha ang mga hawak nilang marijuana at inis na tinapakan iyon.

"What the hell, Dam-Dam?!" inis na bulalas ni Saryna at akmang kukunin pa ang mga upos na tinapakan ko pero lalo ko lang diniinan tapakan iyon.

"Kanina pa bad trip 'yan sa bahay pa lang. Hindi mo daw kasi sinasagot ang tawag niya," natatawang sabi ni Danny at may dinukot sa bulsa na hitsurang sigarilyo at inabutan din si Saryna.

Muli kong kinuha iyon at binali sa harap nila tapos ay talagang sinamaan ko sila ng tingin.

"Don't fucking try." Banta ko sa kapatid ko nang makita ko siyang akma uling dudukot sa bulsa niya.

Doon sumeryoso na din si Danny. I knew my brother knew that I am really pissed. Umirap si Saryna at masamang tumingin sa akin.

"What is wrong with you?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"What is wrong with me? What you did last night was wrong. Everything about it. Kung saan-saan mo ako pinapunta. Nag-aalala ako sa iyo dahil akala ko napapaano ka. Tapos malalaman ko lang na nasa party ka lang? Worst, you sent me to a date with your friend without my knowledge." Mariing sabi ko.

Napaikot ng mata si Saryna at tumingin kay Danny tapos ay nagbungisngisan silang dalawa na lalo kong ikinainis.

"And I don't even like her." Dugtong ko pa.

"Kuya, masyado ka kasing... stiff. Holly has been flirting with you for so long. Saryna told me how much she likes you. Saka ano pa ang nirereklamo mo?" Ngumisi sa akin si Danny. "You had your first kiss with her."

ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)Where stories live. Discover now