Chapter Three

95 6 0
                                    

Chapter Three

Dismissal na kaya marami rami na ang estudyante sa labas. Tapos nagkakagulo pa sila sa hindi ko naman alam, at bilang wala akong pakialam, diretso lakad nalang ako.

"Atarah!"

My steps halted upon hearing Casper behind me. Magalang syang nagpaalam sa mga babaeng kumakausap sa kanya at tinakbo ang distansya naming dalawa.

"Hi, pauwi ka na?"

"Uh, oo. Nasa loob pa ata si Inad."

"Actually, I was here for you. Okay, since sabi mo friends tayo?"

I purses my lips. "Bakit?"

"May ano, ipapaalter ako kay Lola Lila na pants."

"Bakit di mo pa diniretso sa bahay?"

Kinamot nya ang batok at ngumiti.

"Aayain din sana kitang magmeryenda?"

"Sabi ko di ako interesado."

"Well, I'm just asking you as a friend here. No malice intention."

Pabiro akong ngumiti. Pinakita naman ni Casper ang susi ng sasakyan nya.

"Halika na."

Binalewala ko ang mga tingin ng mga schoolmate ko. Hindi ko nga alam kung bakit parang ang big deal sa kanila na makakita ng gwapo eh alam naman ng lahat na gwapo si Inad.

"Girls were fond of you." Sabi ko pagkasakay sa sasakyan nya.

He sighed. "Probably they wanted to know me because of my face."

"Ang hangin, malakas ata aircon."

"Totoo, medyo nakakasawa kasi. Lahat lalapit lang kasi gwapo daw ako, but I doubt it, kapag nalaman nilang medyo suplado ako baka layuan pa nila ako."

"Bakit? Suplado ka ba?"

"I can't say. Minsan, oo. Minsan, hindi?"

Napailing nalang ako at hindi na sumagot. Hindi nagtagal nang makarating kami sa bahay. Tulad ng mga normal na tsismosa sa kanto, nakasilip na sila agad sa kung sino itong kasama ko.

Nagulat pa ako kasi isang plastic iyong dala ni Casper.

Dumiretso sya kay Lola na nakangiti na ngayon at nagmano. Sunod ay ako naman ang nagmano.

"Lola, ipapa-alter ko po sana itong mga pantalon ko."

"Ang dami naman nito, hijo."

"Don't worry, hindi naman po madalian. Tyaka tatlo lang po yan."

Sinuri ni Lola ang tatlong pantalon na dala ni Casper. Sinukat din kapagkuwan para makita ni Lola kung hanggang saan ang laki ng iaalter doon.

"Sabi mo aalis ka na next month?"

"Abot naman siguro yan, ano po Lola?"

"Sa sabado, pwede mo ng kunin."

"Ayos. Babayaran ko na din po." Naglabas si Casper ng wallet nya kapagkuwan ay inabutan si Lola ng three hundred.

"Ang dami nito. Singkwenta lang isa."

"Keep it, Lola. Sa manila po, 150 isang pantalon ang pa-alter."

"Naku, hindi kita tatanggihan."

"Salamat, La. Balik po ako sa sabado."

"Salamat din, hijo."

Humarap sa akin si Casper at ngumiti.

"Aalis na ako. Salamat."

"Salamat din."

Matcha Latte (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon