Chapter Nine

77 7 0
                                    

Chapter Nine

Basa pa ang buhok ko nang kumatok ako kina Tita Irene. Nagulat nga ako na gising na pala sya, siguro ay naghahanda na din para sa pagpasok ni Ian sa school.

"Good morning po, Tita."

"Ay oo. Sandali." Pumasok sya sa loob at pagbalik dala na nya ang isang tupperware. "Heto, nagluto ako ng adobo para may baon ka. Iyong iba, balikan mo nalang mamaya para may pagkain ka sa bahay."

"Salamat po, Tita Irene."

"Walang anuman. Sige na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo."

I nodded at her and turned my back. Pabalik na ako sa bahay pero mabilis kong nahagip ng tingin ang sasakyan ni Casper sa labas. I sighed.

"Ang aga mo."

"Are you off to go?"

"Kunin ko lang iyong bag ko."

Sinilid ko sa bag ang tuperware at sinara na ang bahay. Bukas na ang pinto kaya pumasok agad ako sa sasakyan. Natigilan pa ako kasi kumalat sa buong sasakyan ang amoy ni Casper.

Tumikhim ako.

Kalaunan nang magsimula na syang magmaneho. Tahimik kami pareho.

"Tatawag ako pag di busy." Aniya.

"Ha? Hindi naman kailangan."

"Just let me, Atarah."

Tinuro ko sa kanya ang Laundry shop, hininto nya doon.

"Salamat."

Casper nodded, bumaba na ako agad at walang lingon na pumasok sa laundry shop. Abala na ako sa sunod na gagawin, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin bigla pero nagkamali ako. Tinaggap ko ang galit sa akin ng may ari, at naiintindihan ko na kasalanan ko naman.

Tumunog iyong cellphone ko habang naghihintay ako ng jeep pauwi.

"Chi."

[Manager ka na ba sa laundry shop at hindi ka na talaga tumatawag sa akin?]

Bumuntong hininga ako. "Pagod lang, Chi."

[Pagod or baka pinapagod ka na ni Casper.] Natawa pa sya pero hindi ko magawang tumawa dahil sa nangyari kanina.

[Ara, ayos ka lang? Oy joke lang, ito naman.]

"Kamusta ka naman, Chi?"

[Okay lang! Baka umuwi pala ako ha,]

"Binigyan ka ng leave?"

[Syempre. Deserve ko, tyaka gusto na kitang makita.]

"Sige."

[Madami tayong pag uusapan.]

Kundi ko pa sasabihing pauwi na ako ay hindi pa sya magpapaalam. Kinukulit nya ako tungkol kay Casper pero wala akong masabi dahil wala naman talaga. Pumupunta lang sya dito para samahan akong kumain, ayokong lagyan ng kung anong meaning iyon.

Abala ako sa pag iiscroll sa cellphone ko dahil ang kulit ni Chichay, binigyan pa ako ng load para daw hindi ako mabored. Naghang ang tangkang paghithit ko sa yosi nang mapadaan ako sa news feed na minsan ko lang naman talaga mabisita.

Mga pictures ni Casper iyon--at kasama ata ang pamilya nya. Karamihan ay kaibigan at isang babae. Babaeng mukhang sopistikada, mataas at kapantay nya.

Sumimangot ako sa maasim na pakiramdam na naramdaman ko bigla. Eh ano ngayon, Atarah?

Binalewala ko iyon at kalaunan ay nagsimula na akong mag ipon ng tubig dahil bukas ay maglalaba pa ako. Pinuno ko uli ang mga lagayan sa banyo para hindi ako hassle sa mga susunod na araw. Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko pero nang mahagip na si Casper iyon ay binalewala ko nalang.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now