Chapter Four

74 5 0
                                    

Chapter Four

Umiwas ako ng tingin sa babaeng nakatitig sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Atarah?"

I halted my steps and faced her. Nakakunot ang noo nya pero kalaunan ay ngumiti.

"Oh my! Atarah! Hi!" Nagtatalon pa sya nang makilala ako.

My mind were clueless. Hindi ako sigurado?

"Si Jaira to!" Sabi nya sabay turo sa sarili.

"Jaira?"

"Zarsuelo!" Tili nya sabay yakap sa akin.

Nagtatatalon pa sya.

"Oh my god! I miss you so much!"

"Jaira?" Ulit ko.

Natatawa na syang tumango tango sa akin. She even pinched my cheeks.

"Oo no!" Humagikhik pa sya.

"Sorry, hindi kita nakilala agad."

"Okay lang. But how are you? Si Chichay?"

"Nasa klase nya pa."

Excited syang nagpaalam sa mga kasama nya at humawak sa braso ko.

"Ang ganda mo." Biglang sabi ko.

Napahawak naman sya sa buhok nya at mabilis na namula ang pisngi.

"Huy, ikaw pa din iyong may natural beauty sa tin." Aniya. "Saan ka?"

"Sa labas,"

"Kape tayo? May alam ka bang coffee shop dito?"

"Meron."

Kalaunan naglakad kami sa may kaperito na coffee shop na malapit lang sa University namin. Panay ang linga ni Jaira sa buong paligid.

"I miss being here!"

"Kailan ka pa nakabalik?"

"Last night. I was with Kuya Theo and his girlfriend." Namili na sya ng order. "I want espresso. Ikaw, Atarah?"

"Matcha Latte nalang."

"And two waffles po. Thank you."

Naghanap na kami ng mauupuan, marami na syang nakukwento sa akin noong makaupo kami.

"One week lang ako dito, kasi need ko na bumalik sa manila. Grabe nakakamiss iyong lucena."

Kaming tatlo nina Chichay ang magkakaibigan simula pa noong bata kami. Nahiwalay lang si Jaira since kailangan nilang lumipat sa Manila. Jaira Zarsuelo, isa sa mga apo ni Don Edward na may ari din ng malaking Hacienda sa may bandang domoit.

"Jaira po?"

She stood up and get our orders. Mabilis na syang sumimsim sa kape nya.

"Sorry, I can't help staring at you talaga Atarah."

Namula ang magkabilang pisngi ko.

"Anyway, can you text Chichay? Para magkaroon tayo ng small reunion."

Nagtipa ako ng text para kay Chichay pero wala pa syang reply kaya binalingan ko nalang ang matcha latte.

"Sorry, boring pa din ako kausap." Aniya.

"Ano ka ba, okay lang. Salamat dito."

"Nagtatahi pa din ba si Lola Lila?"

"Hindi na masyado at binawalan ng doctor. Kaso ayaw paawat."

"Hayaan mo, pag nakapagtapos ka lang, giginhawa na kayo ni Lola."

Matapos naming sa loob, nag aya na si Jaira lumabas. Napahinto ako ng makita si Casper na papasok sa loob ng kaperito.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now