Chapter Seven

75 6 0
                                    

Chapter Seven

I don't know how to react, or how to start a topic. I mean, it's been a months since we last saw each other.

Hindi ko tuloy alam pano to ngayon, pakiramdam ko ang awkward sa side namin pareho...or sa akin lang?

"Sabi ni Chi, nasa Germany ka dapat?"

He sighed. "I postpone it, next month nalang."

"Ha? Diba trabaho mo yun?"

"Work can wait, Atarah. I was working this past few months."

"Bakit dito ka pumunta? Diba dapat sa--"

"Because you never reached out to me."

Napakurap ako. "Kaya ko nga ang sarili ko, at ayos lang ako."

Hindi sya umimik, I bit my lower lip and continue eating.

"Atarah, I know what it feels to lost someone you dearly loved."

I just nodded, ito ang ayaw ko kaya hindi ako nagrereach out kina Chichay. I know they would feel this way. Na para bang hindi ko na kaya dahil lang nawala si Lola.

"Casper."

"Atarah,"

"Casper, please..."

"I'm sorry... Hindi ko alam na namatay na si Lola Lila. I was too focused with work, nito ko lang nalaman. Natakot akong tawagan ka dahil alam kong sensitive ang topic na ito. Tinapos ko nalang agad ang trabaho ko para mas mabilis na makapunta sayo."

"Hindi mo kailangang gawin."

"But I wanted too. I choose this, gusto ko nandito ako...para alam mo kung may kakampi ka pa." Marahan nyang hinawakan ang kamay ko.

Bumagsak doon ang tingin ko, he slightly caress them.

"If you wanted to cry, just cry Atarah. I will be your shoulder to cry on." Marahan nyang sinabi. "Hindi ko man nakasama ng matagal si Lola Lila, alam ko sa puso ko na mahalaga sya sayo."

Umiwas ako ng tingin, tears started to pool in my eyes. Pinisil nya pa ang kamay ko.

"I wanna know your thoughts, Atarah..."

"Stop. Ayokong kinakaawaan ako."

"Hindi kita kinakaawaan, I'm just being a friend here."

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Mabilis ko ding pinunasan ang luha na pumatak sa mata ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain. As much as possible, ayokong umiyak sa harapan nya dahil bakit pa?

No one dares to speak, both of us fell silent. Sumimsim ako sa tubig ng matapos akong kumain. Pagbaling ko sa kanya, halos atakihin ako nang makitang titig na titig sya sa akin.

Kapagkuwan ay tumayo sya at nagsimula nang magligpit.

"Casper, ako na." Pagpipigil ko. "Umuwi ka na."

Itinapon nya ang mga kalat sa basurahan. Nilapitan ko ang ilaw at pinatay iyon.

"Salamat, Casper."

Suplado nyang kinuha ang inaabot kong ilaw at ang rechargeable fan.

"Take a rest now."

Tumango nalang ako at pinanuod syang lumabas ng bahay. Once again, my house is filled with darkness. Tulad ng nakasanayan ko, tumambay ako sa labas at humihit sa isang stick ng yosi.

Madaming pwedeng mangyari, pero kaya ko ang lahat. Kaya ko dahil naniniwala akong sarili ko lang din ang magiging karamay ko dito. Basta maayos ako, wala akong tinatapakang tao...ayos ako.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now