Chapter Twenty Two

140 15 1
                                    

Chapter Twenty Two

Pareho kaming tahimik ni Casper nang makaupo kami sa mahabang table. I smiled at Chichay's sister as she greeted me.

"Oh, gising na pala si Atarah." Ani Tita Gloria. "Kuha ka nalang ng pagkain, naka-ready naman na."

"Opo, Tita."

Nahagip ko ng tingin si Jaira at Chichay na nagsisikuhan. Umirap ako at tumayo na para kumuha ng pagkain ko. Nananakit pa ang ulo ko at katawan pero ayoko pahalata dahil alam kong pinagmamasdan ako nina Chichay ngayon.

"Are you okay?"

Muntik na akong atakihin nang marinig ko si Casper sa gilid ko. Binalingan ko sya.

"Okay lang."

He scanned my whole face, pakiramdam ko ang init ang magkabilang pisngi ko.

"We will talk later, but I'll let you eat first."

"Iyong nangyari kagabi... Casper."

"Nagsisisi ka?"

"Ha?" Napabaling ako sa likod namin bago ko sya hinarap. "H-hindi...ano... Kasi..."

He sighed.

"Casper, hindi. Kasi..."

"Kasi?"

"Hindi ba komplikado?"

"Nope."

Pinagbuhat nya ako ng pinggan ko.

"Let's talk later." Nilapag nya sa lamesa ang pinggan ko bago sya umupo sa pwesto nya.

Tahimik naman akong umupo at binagsak ang tingin sa pagkain.

"Hmm..." Umupo si Jaira sa tabi ko. "Ang sakit ng ulo ko. Ikaw, Arah? Wala kang hangover?"

"May hangover ako." Si Chichay. "Si Arah parang wala."

Sinamaan ko sila ng tingin, ang iingay. Inayos ni Chi ang buhok ko.

"Mukhang hindi lang ako ang nadiligan kagabi."

"Sarap ba, Atarah?" Si Jaira.

Uminit ang magkabila kong pisngi at sinuway sila na kahit alam kong binulong lang nila ay nakakahiya pa din.

"Nakakahiya biglang pumasok sa cottage natin kasi ang tagal lumabas ni Casper."

"Pwede ba." Suway ko uli.

"So may nangyari? Nag usap kayo? Okay na ba kayo?" Sunod sunod na tanong ni Chichay. "Atarah?"

"Hindi ko alam."

"Babalik na yan ng Germany. At hindi nya jowa si Rafi."

"Pwede kumain muna ako?" Nakanguso kong sabi.

Ngumisi si Jaira. "Ang blooming."

"Jaira!"

Natawa sya at tumayo na para iwan ako. Nakangiti naman si Chichay sa akin.

"Chichay, kakain ako."

"Bilib ako na hindi ka pa natutunaw. Mula kagabi, nakatitig na sayo si Per."

Umirap nalang ako pero sinilip ko ang pwesto ni Casper. Nakadirekta nga dito ang mata nya. Muntik pa akong masamid.

"Teka nga, check ko lang asawa ko." Umalis na din si Chichay.

Napailing ako at nagsimula nang kumain. Kaya ayoko isipin ang nangyari kagabi kasi mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Isa pa, kahit may ebidensya ay hindi ako makapaniwala.

Abala ang lahat sa kanya kanyang ginagawa. Mabuti nga at hindi pa ako binabalikan nina Jaira kasi talagang bubugahan ko na sila ng apoy lalo na't kunikirot talaga ang ulo ko.

Matcha Latte (Coffee Series)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz