Chapter Twenty

99 11 0
                                    

Chapter Twenty

"Oo. Mamaya, maggrocery lang ako ng stocks sa bahay." Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong matanggal ang mga nakasaksak.

"Okay, text mo ko if pwede ka na."

"Sige."

Ni-lock ko ang bahay at naglakad na. Diretso akong sakay ng jeep pa-bayan at bumaba sa grocery store.

Kokonti lang naman ang bibilhin ko, iyong kasya na sa akin ng isang linggo para hindi ako ma-hassle. Pagkatapos naman ng kasal ni Chichay ay balik trabaho na uli ako. Hindi na kasi ako sanay ng wala akong ipon.

Hindi ko lang maabot iyong tissue, ngumuso ako bago ko sana tatalunin kaya lang may kumuha noon. I blinked upon seeing Casper.

"Here you go."

"Ah, thank you."

Nilagay ko iyon sa push cart ko at tinulak na. We parted ways, nang makuha ko na ang mga kailangan ko ay nagbayad na ako. My phone rang at dahil sa taranta ko, nagkanda hulog ang mga dala ko.

I ignore my phone and pick up the canned goods. Nakakainis naman si Chichay.

"Kakauwi ko lang." Sagot ko sa tawag nya.

"Papunta na ako kay Pio."

"Sige, sunod na ako."

Sa may bahay kubo ng mg Lausingco kami tumulak ni Chichay dahil personal nyang kakausapin si Pio Lausingco para ito ang magluto ng mga pagkain sa kasal nya.

"Hi, Pio."

"Miss Rosales."

"Thank you sa paglalaan ng oras para dito."

Tumango si Pio at ngumiti. Sumilip ang isang babaeng may buhat na baby sa amin.

"Mister, pahanda ko na yung kailangan."

"Okay, thank you love."

Tahimik lang ako sa gilid habang nag uusap si Pio at Chichay. May mga pinapakita si Pio na mga listahan ng pagkain kay Chichay. Sumimsim lang ako sa tubig ko at kunwa'y nakinig.

"Nasa Belle Ame kasi ang mga food examples. But I can asked for some para ideliver dito. Since dito naman kayo ikakasal."

"Malaking abala. Pero may tiwala naman ako saiyo, like sabi ni Casper."

"Okay, kailangan ko lang gawin ay iyong mga ingredients na bawal sa may mga allergies."

Pagkatapos namin sa bahay kubo ay lumabas na kami sa may labasan.

"San tayo sunod?"

"Simbahan, tas hindi sumasagot si Inad!" Reklamo na ni Chi. "Ano ba naman to!"

Pumara na ako ng jeep at sumakay. Tinatawagan pa din ni Chichay si Inad.

"Asan ba si Inad? Diba dapat sabay kayo asikasuhin to?"

"Nasa Manila. May pinapaasikaso kasi boss nya, sabi nya susunod nalang daw sya. Tapos ngayon hindi sumasagot! Sinasabi ko na dapat kasi nag file sya ng leave!"

She pouted and locked her phone.

"Hay naku," naiinis nyang niyakap ang braso ko.

"Bayad po, bale dalawa."

Tinapik ko ang braso nya. "Nag usap na kami ni Casper."

"Hmm? Kelan?"

"Noong bumisita ako kay Lola. Ano, nagsorry ako."

"Ano sabi nya?"

"Okay daw, naiintindihan nya."

Chichay scoffed. "Lahat naman iintindihin ni Per pagdating sayo."

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now