Chapter Twelve

83 9 0
                                    

Chapter Twelve

My freaking stomach growl. Lumayo ako sa kanya na may namumulang pisngi. The f! Bakit ngayon pa.

Napahawak ako na ako sa tiyan ko at tumayo.

"W-wait."

He curtly nodded, ang bilis kong tumakbo papasok sa cr! Ano ba yan!

Naghimalos ako at sinilip sya sa labas, I saw him with his phone. Dahan dahan akong lumabas sa cr. Nahihiya pa din ako.

Muntik na mahulog iyong alcohol nang kunin ko kaya napatingin sya sa akin. I bit my lower lip.

"Alright,"

Casper ended the call and tilted his head.

"O-okay na ako. Punta ka na sa after party."

"Pupuntahan kita bukas."

"Wag na!" Tumikhim ako. "Ano, baka kasi busy ka kaya wag na."

"I already cleared my schedule, Atarah. Lock the door and take a rest."

Matagal pa syang tumitig sa akin bago tumango. He turned his back and left. Napabuntong hininga ako at napaisip. Pwede ba ang ulitan? Pano kung wala na akong maramdaman?

Saktong kakasara ko palang ng bahay nang mahagip ko ang pagparada ng sasakyan ni Casper sa labas. Akala ko wala akong mararamdaman pero ang bilis tumibok ng puso ko. Bumaba sya sa sasakyan para silipin ako kaya nagtama ang mata namin. Mukhang kakagising nya lang dahil bahagyang magulo pa ang buhok nya. He's wearing a plain white shirt.

"Good morning," he casually greeted me.

"Casper."

"Just let me do this, Atarah."

Masyado pang maaga para maubos ang energy ko pagsuway sa kanya. Hinatid nya ako sa laundry shop, marahan lang akong nagpaalam bago ako bumaba.

Fortunately, my whole day at work is good. Lingguhan ang sweldo ko kaya naman na-receive ko na iyong para ngayong linggo. Habang naglalakad pauwi, naka-budget na uli ang pera ko. I decided to buy some ground pork, magshanghai nalang ako.

Tumunog ang cellphone ko kaya sinilip ko iyon. Saktong pagkasagot ko ng tawag ay syang paghagip ko kay Casper hindi kalayuan sa akin. He gave me a small wave.

"You done for today?" Aniya sa kabilang linya.

"Bumili lang ako pwedeng iulam."

Casper nodded, tumawid ito at tinapos ang tawag.

"Nabili mo na lahat?"

"Ha, ah oo."

"Okay let's go." Hinawakan nya ang likod ng baywang ko. "Tricycle?"

"Asan sasakyan mo?"

"Flat. Nag jeep lang ako papunta sa laundry shop pero sarado na. Tapos nakita kita dito."

Pumara ako ng tricycle.

"Hindi ka ba busy?"

"I can make time for you, Atarah."

Pinalobo ko ang pisngi ko para maitago ang biglang pagngiti ko, because I should be used to it? Him being like this to me. Sumakay ako sa loob, sumunod naman sya sa akin.

"San po tayo?"

"Cotta, Kuya. Tapat ng simbahan."

Kumurap kurap ako at iniwasang mapatingin kay Casper. Hindi ko lang maiwasan kasi mukhang hindi sya bagay dito sa tricycle, masyado syang matangkad.

Suminghap ako at umiwas nalang ng tingin, kaso ang bilis kong binalik sa kanya noong hawakan nya ako sa baywang. He gave me a small smile.

Inabot nya ang bayad sa tricycle driver bago sya bumaba. Sumunod naman ako sa kanya. Pinanuod nya akong magsindi ng kandila para may liwanag kami.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now