Chapter 6: Partners

580 13 2
                                    

"Yuri and Franchesca sa History kayo..... Then Anthony and Maurine sa English.... And Gab and Shierly sa Mapeh kayo" saad ni maam

"And for the interschool.... Kurt and Yanah for Science..... For Filipino Renz and Aliyah..... And for Math.... Uhmm Ayesha and Ken..." Dagdag ni ma'am

"Okay na ba yan?" Yes po ma'am nice choice at bigla naman naghiyawan ang mga kaklase ko

"Yiee partners na ang ship ko!" Hiyaw nung isa

"Aahun na yung ship, hindi na lubog !" Sabj naman nung isa kaya naguguluhan ako. Anong ship? Barko? Pero pano naging partners?

Every afternoon ay magrereview kami mga 1 and half hours sa school since 3:00 naman dismissal namin so medyo okay na din yun kaso yung kakampi ko yung mukang 'di ok

"Okay ka lang Esha-- ay Yesh?" Tanong ni iyah saakin pero mahina lang

"Uhmm oo don't worry ayos lang ako may iniisip lang ng unti" saad ko and pekeng ngumiti para hindi na sila mag abala pa

"Ohh come on tell us na kasi I know naman na may problem ka.... Ano ba yun tell us?" Bigla namang sabat ni Yanah

"Oo nga yesh tagal na natin magkakasama kaya kilala ka na namin" saad ni iyah pero pabulong lang kasi baka may makarinig na connected kami each other

"Haystt sige na nga di talaga kayo mapagtataguan..... Ano kasi..... Uhmm.... Regarding doon sa quizbee.... Uhh hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi naman kami close nyan ni ano eh nung ka partner ko... Ni hindi nga kami nag uusap nyan" nag aalangan na saad ko

"Hindi ko alam if mag wowork yung team namin lalo na math pa naman if wala kaming better communication nyan" dagdag ko pa

"Well that's a problem yesh, pero kailangan mo yan harapin eh kahit nga ako di ko din naman yan close si renz pero gagawin ko parin best ko magwork lang kami as partners and isipin mo na lang para din yan sainyo and para yan sa school..... Malay nyo after that quizbee maging supper close na kayo" saad nya

Tumungo na lamang ako at huminga ng malalim

Pinuntahan ko sya sa seat nya para kausapin regarding sa quizbee na gaganapin at tinanong ko sya kung ano ba gagawin namin

"Hi!! Regarding sa quizbee an-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumabat sya

"Magrereview naman dito sa school ayos na yun" he coldly said and without any emotion

"Oo I know pero do you think its enough?" Tanong ko

"Of course it is!" Sagot nya

"Pero you know this is mat-" hindi nya ulit ako pinatapos

"Stop, can't you see I'm busy!!" Pasigaw nyang saad

"Eh nag c-cp ka lang naman eh!!"

"Paki mo ba sakin, just mind your own business !!"

"Yes I know pero mas importan-" pinutol nya ulit

"Mamaya na yan please!!! Sigaw nya saakin "Kulit mo!"

Padabog akong umalis at naupo sa upuan ko na lang ulit. Bahala siya kung ayaw niya basta magrereview ako ng sarili ko!

Ohh myyy matutuyuan na ata ako dito ng dugo! Akala ba niya takas niya siya sa ginawa niya kaninang pagbungo!? Hmpp!
Ganon ba talaga sya like parang ini-easy easy lang ang quizbee samantalang sa previous school ko kahit mahaba yung review time namin sa school eh naglalaan pa kami ng additional na oras like pumupunta kami sa bahay ng classmates or sa isang place para mas makapagreview pero sya like what!!! Inuna pa talaga yung cp!!!! Arghhhh

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1)Where stories live. Discover now