Chapter 57: ICE SURPRISE!!

205 7 3
                                    

"Coach!" Tawag namin sakanya nang makarating kami sa mall and dumeretso kami sa office niya

"Oh girls! You're here na pala" sabi ni coach at nagtipa sa phone "I'll take this call muna ha? Just sit there tapos sabay-sabay na tayong bababa sa rink" she smiled and left. Lumabas siya ng room at kinausap muna yung nasa phone

Ilang minuto ang lumipas at nasa loob lang kami ng office niya. Napatingin kami sa paligid sa malaking office ni coach. Nakita namin sa mga shelves at walls ang lahat ng pictures, awards and pati mga certificates ng mga siguro yung mga dati ng figure skaters dito na nanalo and nakarating sa malalayong competitions

"Baka nasa ganto din tayo noon no? Kung nagpatuloy tayo" parang nanghihinayang na sabi ni Iyah.

"Oo nga no? Miss ko na yung old name natin HAHA" medyo may kapaitang saad ni Yanah kaya natahimik kami

"Ahh Yes Yes... pupunta na kami. Yeah. Okay bye" Si coach habang papasok sa pinto kaya bumalik kami sa couch

"Let's go girls, tawag tayo sa rink, there's a visitor na titignan daw yung mga galaw niyo so get ready" dagdag ni Coach kaya tumayo na kami at naglakad na papunta sa Rink ng mall

Medyo kabado kami kasi biglaan ito and hindi kami masyadong prepared kaya bahala na HAHAHAH

I was walking with them when my phone vibrated so kinuha ko iyon and binasa ang nag message saakin

💓MAMA💓

Darling, I heard you're going to the mall for figure skating and you left here your skating shoes so pinadala ko kay kuya driver there sa mall and nasa baba na daw siya. Go get it nakakahiya naman, kanina pa siguro nag aantay si Kuya sa baba
💖

Goodluck<3
💖

I quickly put my phone back after I heart replied to my mama's message. Buti na lang nakita ni mama yung shoes ko, dinala ko nga pala yun sa bahay before so baka naiwan ko nga

"Ah...Guys I'll just go sa baba, I forgot pala my skating shoes and dinala ni kuya nasa baba na daw... I'll just go get it" paalam ko sakanila saka dali-daling bumaba para kunin iyon

"Thanks po... Hehe sorry naabala pa po kayo" sabi ko habang kinukuha kay kuya yung shoes ko

"Naku okay lang po yun... Parte yun ng trabaho ko" nakangiti ring sabi saakin ni Kuya kaya nginitian ko ito pabalik

"Sige po kuya, babalik na po ako HAHAHA thank you po ulit!!" Paalam ko saka kumaway na paalis. Kumaway naman siya pabalik.

He was our driver matagal na and nasa like 40+ na siya I think 45 or 46?

I was walking papunta sa rink nung makita ko yung dalawa nila Iyah saka Yanah na may mga hawak na cake and mukhang na surprise

"YESH!!" Nagulat ako at biglang hinigit ako ni Iyah na mukhang umiyak pa ang loka-loka

"Where have you been huhu sayang, dalawa lang yung na surprise namin" nagulat ako nung biglang lumabas doon si Shierly. Naupo ako doon sa isa sa mga upuan malapit sa rink saka dahan-dahang nilagay yung skating shoes ko. Napansin ko kasi na nakalagay na yung sa dalawa at sa iba naming ka-team.

Nandito kasi sila pati nga si Shierly and I also saw Maurine sa di-kalayuan. I wonder kung nandito din yung iba-- oh there! I saw Kurt and Renz papalapit sa dalawa-- HAHAHA kanino pa ba diba... where's Ken kaya? Siguro pumunta talaga sila dito to surprise us kaso yung dalawa yung nachempuhan HAHAHA buti nga!

"Ah I went sa may entrance, naiwan ko kasi itong shoes ko, why?" I asked like in a normal tone lang

"GAGA! Edi hindi ka namin na surprise! Alam mo bang pinaghandaan namin ito?" Mataray na biro ni Chesca na bigla na lang parang kabuteng nagpakita mula sa ilalim ng lupa

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1)Where stories live. Discover now