Chapter 24: Home

391 12 0
                                    

"Ehem! Ano yan! " Biglang sabi ni tita kaya nabigla kami at natanggal yung hawak saakin ni Ken at napatingin kami pareho sakanya

"Kilala niyo ang isa't isa?" Tanong ni Tita habang nakakunot ang noo

Tumango ako bilang sagot sakanya, duh ayoko kaya magsinungaling pa at mapagalitan. Nakatungo lang ako at hindi kumibo

Naupo kami ngayon at magkakaharap sa mesa, katabi ni tita si Ken at ako naman sa harap nila, ano to?

"At bakit mo naman ginawa iyon Ayesha?" Medyo mataas na boses na tanong saakin ni tita nang sabihin ni Ken ang nangyare kanina na pinagkaguluhan siya ng mga bakla.

"Eh ang kulit niya po kasi, sabi ko ayoko muna siya makausap at gusto ko mapag isa, hindi naman ako forever dito, babalik ako" sabi ko at pinipigilan ang sarili na magtaas ng boses. Alam ko na totoo naman na ginawa ko yun and I am guilty din sa ginawa ko sakanya kanina pero siya naman kasi eh! Kung hindi na kasi siya nagmatigas pa!

"Kailan ka nga babalik?" Sabi ni Kenneth at deresto lang ang tingin saakin

Hindi ako sumagot kaya si tita na ang nagtanong

"Ito ba esha, si Kenneth, siya yung anak ng tinutiluyan mo sa Baguio?" Tanong ni tita

"Opo" maikli kong sagot

"Oh bat ka umalis sakanila?"

"K-Kasi po, m-may malaki a-akong p-problemang nagawa sakanila" utal utal kong sabi

"P-Pero okay na po yun, it's not a big deal saamin" singit ni Kenneth

"Diba galit ka saakin!?" Sabat ko naman

"Hindi na nga diba... That's why I'm he--" Saad niya naman na pinutol ko

"Hindi ko naman sinabeng pumunta ka dito eh!"

"Oh siya mukhang hindi kayo mag kakaintindihan dito......usap muna kayo sa labas na kayong dalawa lang pagkatapos nating kumain" mahinahong saad ni tita at tumango na lang ako baka magtanong pa si tita ng kung ano-ano. For now ayoko muna malaman niya ang mga gulong napasok ko kasi baka mag alala and makarating kina mama and I don't want them to worry

"BAKIT ba kasi ayaw mo akong kausapin?" Unang tanong ni Ken kasi hindi talaga ako umiimik para kausapin siya. Nakaupo kami ngayon sa may swing sa likod ng bahay ni Tita kasi dito na nag lalaro si Gave since he's a "crown prince" din tulad ko na hindi pa na p-public, ayaw ni tita na pagala-galain muna si Gave for some reason at naiintindihan ko naman ito. Ganyan din kasi ginawa saakin ni mama at papa noon eh. Pero back to the kwento.

"Bakit ba ang kulit-kulit mo din!? Diba sabi ko ayaw ko! Ayaw ko! Gusto ko mapag isa at mag isip isip!! Mahirap ba yun para sayo ha!? Naiinis na ako. 'bat pa Kasi siya pumunta-punta dito?

"Pag sinabe kung oo!? Maniniwala ka ba? Ang t*nga t*nga ko kasi eh!" Sabay sabunot sa sarili "Naniwala ako sa isang kasinungalian! Pinaniwalaan ko yung taong minsan na akong iniwan at hinayaan ko namang magalit sa taong walang na 'kong ibang ginawa kundi saktan"

"Ewan ko ba Hindi ko alam! Pero nasanay na ko sa presenya mo Ayesha, yung pangungulit mo yung lahat lahat ng effort mo!!....Ang t*nga ko kasi! Napaka b*bo at hinayaan kitang lumayo pa....." Saad niya na mukhang galit sa sarili kaya natameme ako dun. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sakanya

"I'm sorry Yesh, hindi ko sinasadya lahat ng nasabi kong yun, hindi kita sinisisi, hindi kita pinag susumbatan , hindi ako galit sayo at mas lalong hindi na ako kumakampi sa Kaylang sinungaling na yon!" Sabi niya pa na medyo maiiyak na.

No! Hindi ka pwede Yesh magpadala sakanya! He's hear cause he knew the truth pero kung nalaman ba niya eh pupunta ba siya dito? Diba hindi naman!

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1)Where stories live. Discover now