Chapter 30: Monster

428 12 0
                                    

Pumasok na ulit ako sa room ko sa house nila tita kaso nga lang pawala wala yung electricity so nakakatakot I'm afraid of dark pa naman plus yung mga kidlat at kulog pa so takot talaga ako pero I have no choice but to stay there.

Humiga agad ako at nag kumong. Tinakpan ko yung katawan ko ng makapal na comforter at naglagay din ako ng earpods at nagpatugtog para kahit papano mabawasan yung takot ko

Grabe na lang yung gulat ko at halos maiyak na sa takot nang biglang kumulog ng malakas at may kumalabit saakin mula sa pagkakahiga ko

"No please.....I wanna live longer.....No!" Takot na pagmamakaawa ko. Grabehan na din kasi yung horror na napapanood ko HAHAH pero seriously takot talaga ako. I didn't know kung ano ang nag aabang saakin kapag tinanggal ko yung kumot ko.

Ilang sandali pa kumalabit ulit ito pero Dahil sa takot ay mas lalo kong nilakasan ang volume ng music.

"Ano ba tigilan mo nga sabi ako!.... You're a devil!....Get out!!!....Ayokong sumama sayo please lang No!!! Lumayo ka sakin masamang espirito!" Halos maiyak ko ng pagmamakaawa ako pa naman mag isa sa kwarto lalo na naiisip ko yung Evil Dead Rise HAHA epekto na to ng panonood ko with my cousins syempre

Nabigla ako at napapikit na lang sa takot nang hilain niya ang kumot para tanggalin. Tumalikod ako at pumikit pa para hindi ko makita ang kung ano mang nakakatakot kasi ako lang naman ang magisa dito eh tapos may kakalabit no way!

"Agfhhhh!!" Napasigaw ako "Tita! Tito! HUHU Kenneth!! Natatakot na ako tulungan niyo ako" Naiiyak na ako

May flashlight akong naaninag kaya buong tapang ko na hinarap iyon at BOOM! si Ken ang nakita ko na nakakunot ang noo

"Oii Yesh ano ba I'm not a devil or a bad spirit....Si Kenneth to!" Pagsisgaw niya nang sabi sa takot na takot kong sarili pero hindi ko maaninag na siya yun since may music ako sa tenga

"Huh!?" Gulat na sabi ko nung makita ko siya pero bago ko paman malaman na siya yun ay napaghahampas ko na siya at nabato ng mga unan sa sobrang takot

"A-All this time ikaw lang pala yun....W-Wala namang bad spirit diba?" Mahinang saad ko nang bumalik na ako sa ulirat

"Yeah at kanina pa kita tinatawag at kumakatok pero hindi mo binubuksan kaya pumasok na ako. Pero Kinakalabit kita at tinatawag hindi ka sumasagot.....Hindi mo ba ako naririnig?.....Haystt and ansakit non ah.....Ikaw kaya paluin ko....."

"Ahh S-Sorry akala ko kasi K-Kung ano na and may earpods kasi ako and malakas Yung music pinalakas ko kasi kanina.....B-Bakit ka pala pumasok?" Tanong ko

"A-Ahh oo pinapatanong kasi ni Mommy if gusto mo daw matulog kasama namin sa baba. Mainit din kasi since walng kuryente and malakas pa yung mga kulog baka daw natatakot ka......Kung gusto mo you can come with me na" pagpapaliwanag niya na agad ko na din na tinanguan duhh ayoko kaya matulog mag isa. Kinuha ko yung comforter and unan then sabay na kami bumaba.

"Yesh! Great! Dito ka sa tabi ko dali" saad ni tita habang naka upo sa nilatag nila sa sala. Si tito yung pupwesto sa left side kung nakaharap ako. Katabi niya naman si Ken. Si tita naman ang sumunod at dun naman ako sa tabi niya

"Bat kayo natagalan pala?" Curious na tanong ni tita

"Wala mom something unexpected happen lang" saad ni Kenneth with no emotion

"Huh!? Anong nangyare ha?" Sarkastiko at nakataas kilay na tanong ni tita kaya nagpanick ako at baka kung ano isipin niya so ako na nag salita

"W-Wala po tita mali ang iniisip niyo HAHA hindi ko po kasi naririnig si Ken kasi malakas yung music sa earpods ko kasi nakakatakot HAHAH then nagulat po ako nung bigla niya akong kinalabit at tinanggal yung kumot so nabato and napalo ko po siya ng mga unan....Yan po yung nangyare" paliwanag ko

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1)Where stories live. Discover now