Chapter 15: For Campus Princess

422 16 0
                                    

Maaga akong pumasok ngayon kasi may final review kami sa school for the quizbee and a little announcement daw regarding na doon

Nauna ako kay Kenneth na umalis kasi nung lumabas ako ng bahay ay nagb-breakfast pa lang siya

"Hi yesh" bungad saakin ni Shierly na siyang nagbubukas ng room

"Hello good morning" balik ko dito

"Aga mo naman ata?" Tanong niya

"Inspired....Charizzz HAHAHA"

"Yeshh!! Omg buti ang aga mo" bigla namang litaw ni Yanah and Iyah

"Uy may chika kami and kailangan may chika ka din" nakangising saad ni Shirley

"Yeah, alam mo ba kahapon Yesh yung hinatak na ki fafa Kenneth palabas, diba tulala lang si Kayla nun, tapos nung bumalik sya sa ulirat sumigaw sya ng pagkalakas lakas tapos ayon napagalitan ng ibang teachers HAHAHA" saad ni Yanah

"Mukhang inis na yun sayo sis kasi halata namang may gusto yun kay Kenneth at mukhang she sees you as her rival" saad din ni Shirley

"Hayaan mo sya eh wala naman akong ginagawa sakanya" sagot ko pabalik

"Yun yung sa tingin mo pero sa tingin niya inaagaw mo na si Kenneth sakanya" sabi naman ni Iyah

"Bakit may past ba sila?" Seryosong tanong ko

"Wala naman pero ang alam ko naging super close nila nun tapos bigla na lang umalis si Kayla dito at mas pinili yung isa niya boy best friend over Ken."

"Ahh kaya ba naging brat si Kenneth sa mga babae?" Tanong ko pa

"Hindi naman sa "LAHAT" ng babae parang ikaw nga lang ang hate nya dito eh" nakangising sabi nya

"Grabe naman sa ako lang baka meron pa naman" saad ko pero tipid na natatawa

"Baka nga siya pa yung manalo na next campus princess eh" dagdag ko pa

"I don't know madami na din kasi ang ayaw sakanya, napaka brat nun eh" napatango tango na lang din ako

"Pero ikaw ba....anyare kahapon nung hinatak ka ni fafa Kenneth sabi ni Yanah

"Ah nag review bakit?" Parang normal lang na sagot ko

"Weh? Talaga ba?" Parang hindi pa saakin naniniwalang tanong ni Iyah

"Oo na sige na.....pumunta kami sa ballet class ni Thea hinatid lang naman namin....okay na kayo??" Sarkastikong tanong ko sakanila

"Hinatid......Family yarn?" Nakangising saad ni Shierly

Sinimagotan ko lang sila at umayos ng upo habang nagbabasa ng lesson baka kung saan saan nanaman mapunta eh

"Alam niyo parang bagay na iboto natin si Yesha para sa role na "CAMPUS PRINCESS" YIEEEEEE !!!" Sigawan nila na nagharmonize pa talaga kaya napatingin ako dito na kunot ang noo

"Subukan niyo lang at kayo ang iboboto ko" pabiro ko silang tinakot pero ayaw ko talaga ng mga role na ganyan bakit ba kasi may mga paganyan ganyan pa dito

"Okay lang mga dutch at duchess kami dito eh at emperor at empress HAHAHA" nanghahamon pa talaga itong si Yanah kaya napailing na lang din ako

Yung mga senior high kasi saamin, is yung mga queen at king basta yung mga higher tapos sa junior high naman is yung mga prince at princess na at usually sa mga special sections like tulad saamin na Class A iyon nakukuha wala naman kasi balak na sumali yung mga nasa ibang sections/Class kaya hindi na iba, na halos lahat ng classmates ko ay may role

Nagsipasukan naman na mga iba naming kaklase pati si ma'am noong kumpleto na kami at mag aanounnce na daw siya ng mga details regarding sa quiz bee

"Okay class so for the quiz bee na school based ay ang makakalaban niyo ay iba't ibang year level tapos sa interschool naman is ibat ibang school.  Hanggang 3rd round ay based sa subjects niyo and kayo lang ng partner niyo ang magkakampi ......Gets nyo po ba?" Tanong ni ma'am Dizon saamin

"Okay na po maam gets na na po namin" saad ni Kurt

Ngumiti naman si Ma'am at nagpaalam na para ibigay yung matitirang oras for reviewing, gusto talaga namin na manalo at ipanalo ang school na to.

Uwian na at dumeresto na lang ako sa bahay upang maaga makapag pahinga pero yung isa, yung unggoy.....ayon nasa labas with his friends pero ayos naman na yun kasi simula naman nung nag review kami is hindi na siya nakaka jamming sa labas.

Nung mga 7:00 na ay humiga na ako para maagang makatulog. Nauna na rin kasi kaming kumain ni tita kasi baka anong oras dumating daw yung mag ama at sabay na lang daw yun kakain and kailangan ko na din daw matulog para fresh ang utak para bukas.

Hay naku para talaga akong anak ni tita kung asikasuhin. Swerte din nga ni Kenneth at ganito ang mommy niya pero ganon din naman si mama saakin kaso hindi ko sya ngayon kasama lalo na may competition ako usually kasi mas excited pa si mama kesa saakin eh.

Miss ko na sila:(

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1)Where stories live. Discover now