Chapter 12: Candy

447 14 0
                                    

Pumunta ako sa cr sa labas ng room and nagre-touch ako ng sarili para naman hindi halata na nabully ako sa sarili kong gawa. Pagkatapos ay agad din akong lumabas kasi baka nandoon na next teacher namin

"You can't eat this baby....iba na lang darling wag lang to" narinig kong pagpapaliwanag ng isang babae sa anak niya ata

"But mom....Can I eat just only... O-One? Promise I won't eat again for the whole week..." Pagmamakaawa naman ng bata sa mommy niya....How cute:)

"Thea baby..... I'm sorry but hindi po pwede okay..... You're on a diet and masama sa body mo ang puro sugar" mahinahong saad ng mommy nya

Gusto kasi ng bata na kumain ng lollipop na candy pero yun bang may mga shapes and minsan animal figure yung nandoon eh kaso nga lang sugary talaga siya kaya gustong gusto ng mga bata kaso parang bawal siya


"O-okay po I'll eat other na lang" malungkot na sabi ng cute na bata

Medyo naawa ako sakanya although ang cute nya tignan naalala ko lang si mama noong pinagbabawalan din ako kumain ng sweets kasi bawal sa figure skating ko and sa ballet class noon kaya gumawa na lang siya ng paraan para kahit papano ay makakain ako ng hindi forbidden. She baked me her own version of that lollipop na pareha sa gusto din ng bata kasi milky sya pero yung ginawa ni mama is no sugar sya pero matamis. Hindi ko alam kung paano naging sweet kasi wala namang sugar siguro may secret ingredient sya.

Naalala ko bigla na mayroon pala ako noon sa bag kasi pinabaunan nya ako ng isang box bago nila ako pinapunta dito. Nasa bag ko lang iyon at hindi ko pa nauubos. Muntik ko pa makalimutan


Napangiti na lang ako sa bata kasi she's so polite and hindi nagpupumilit even though gustong gusto niya iyon


Bumalik na lang ako sa room at sakto wala pa naman ang teacher namin


"Wala daw si ma'am may emergency meeting!" Sabi ni Chesca

"May pinapacopy sya and isulat na lang daw sa board" dagdag pa niya

"Eh sino magsusulat gurl may sinat si ms. Secretary natin hindi niya kaya magsulat ngayon" nagaalalang saad ni Yanah


"Easy ka lang.....Iyah-h-h-h-h-h-h???? pleaseeeeee???" Pagmamakaawa ni Chesca na may kasama pang puppy eyes kasi maging siya eh hindi rin sanay sa board magsulat kaya napagtripan si Iyah na maganda ang sulat kasi napansin nila iyon


Pumayag naman si Iyah pero may isang kondisyon kay Chesca na hindi ko na alam kasi ibinulong niya lang iyon. Parang hindi maganda ang kondisyon ni Iyah kasi biglang napasimangot si Chesca pero ano pa ba magagawa niya eh sino pa ba talaga ang magsusulat


Puro lang naman yun explanations and sentences kasi English yung sub namin ngayon


Nagsulat na lang si Iyah and it was almost 2 pages rin kaya nakakapagod kaya nung natapos na ay inutusan ako ng bruha na burahin na iyon para sa last sub kasi baka maabutan pa iyon mapagalitan pa kami ayaw kasi nung teacher namin na may nakasulat pa sa board tungkol sa ibang subs kaya pinabubura na ni Iyah at saakin pa talaga!!!dami dami lalake sa harapan niya


Sinunod ko na lang yun at buburahin na sana ng umangal siya

"No~~ my beautiful handwriting...... Ginawa ko naman lahat pero buburahin ka talaga~~ I'm sorry my dear" pagiinarte niyang naiiyak iyak pa


"Arte mo Iyah maghugas ka na lang ng kamay puto chalk na eh" sabat ko naman

"Okay fine nagpapractice lang sa pag aartista eh" pagdadabog niya habang papunta sa may sink para maghugas ng kamay


A Princess Disguise (Teenage Love Series #1)Where stories live. Discover now