7: The Mafia Boss

60 5 2
                                    

(note: unedited, raw version)

Chapter 7 || The Mafia Boss

----


AFTER THAT party, Georgina was so sure na bubulabugin siya ng tanong ni Reichen sa university kapag nagkita sila. For a guy, he's surely a nosy one. Ang sarap lagyan ng packing tape ang bibig nito. For a School Council President, mukhang napakadami nitong oras umaligid-ligid sa kaniya.

"Nagugutom ako." Monic breathes out, out of the blue. Nag-inat ito ng braso at ibinagsak ang ulo sa arm chair.

"Kakapasok palang natin, Monic. Hindi pa nga nagsisimula ang first subject gutom ka na agad, ano ba 'yang mga alaga mo? Mga anaconda sa Amazon Forest?" kunot noong sambit ni Gabriel dito habang nag hahalungkat ng kung ano sa loob ng backpack nito. Maya pa ay inilabas nito ang isang sandwich doon at inabot dito. "Oh ayan, mabuti nalang may dala ako."

Monic grinned at hinablot dito ang sandwich, inalis agad nito ang tissue na nakabalot, "Boy scout ka talaga. You're the best!" sabay kagat nito sa pagkain.

"Ako din, I'm hungry." Georgina said to him. She's quite amused by this Gabriel guy, panay nitong reklamo pero nagbibigay naman.

"Wala, akin nalang itong nandito. Saka maawa naman kayo sa akin, baon ko nalang aagawin niyo pa!"

"Oh? Luh, bigay mo ito ha, di ko inagaw. Ang pangit mo naman ka-bonding, Gabriel! Eh sa nagugutom din si Georgina." depensa ni Monic sa kaniya. Inagaw nito ang bag kay Gabriel at tiningnan ang loob. "Ang dami mo namang sinasabi tatlo pala itong dala mo eh para tig iisa tayo! Ikaw talaga, Gabriel. Sarap mong tirisin!" kinuha nito ang isang sandwich doon at ibinigay sa kaniya. Kinurot pa nito ang pisngi ni Gabriel.

Gerogina grinned after seeing Gabriel's sour face. Kinuha niya din ang pagkain at kumain na. Hindi naman talaga siya nagugutom, pinagttripan niya lang ang isang 'to.

"Oh... em... g!" sigaw iyon ng isa nilang kaklase, hawak nito ang phone nito. "May nag-aaway daw sa labas!"

Parang isang buhawi na tinangay palabas ng classroom ang lahat na kaklase nila. Kahit si Monic ay napatayo rin.

"OMG! Chismis!" inayos nito ang eyeglasses at nagtatakbo rin ito palabas ng classroom. Sumunod naman sila ni Gabriel dito. Makikitingim sa kung anong meron.

Sinundan lang nila kung saan ang kumpulan ng mga estudyante, halos mapuno ang railings ng second floor sa mga nanunood sa ground floor kung saan nandin yata ang nag aaway. May mga estudyante din sa third floor pa pero mas marami ang nasa ground floor.

Hindi makita ni Georgina ang mga nag-aaway na kung sino man dahil sa mga nakahara sa unahan nila. Kahit si Monic ay hindi nila makita dahil maliit na babae lang ito at kung saan na yata lumusot.

Sa inis, hinila ni Georgina mula sa likod ng kwelyo ng mga damit ang lahat ng estudyante na nakaharang sa daan niya. Hindi naman umaalma ang mga ito dahil sinasamaan niya agad ng tingin ang mga ito. Si Gabriel ay napapa-iling nalang sa ginawa niya.

After seconds ay nakita na nila si Monic, nasa unahan na nga at nakadantay ang kamay nito sa railings habang nakatanaw sa ibaba. Dala dala pa rin nito ang sandwich, kahit siya rin.

TMH Prequel: Love is Warحيث تعيش القصص. اكتشف الآن