Entry #15

6 5 0
                                    

GlimpseOfHope

"Akala ko ba gusto mo umunlad? Hindi mo ba gustong yumaman?" tanong niya.

Diretso lamang ang tingin ko sa karagatan kahit na sa likuran ko siya. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniya kaya napahugot ako nang hininga.

Umunlad, yumaman, at makaahon sa hirap? Sino nga ba ang hindi gustong makamit ang mga ito?

"Gusto..." tanging bulong ko sa sarili. May isang luha na pumatak sa kaliwang mata ko habang may inaalala.

"Pero bakit ayaw mo nang magpatuloy?" bulong nito.

"Paano? Kung suntok sa buwan ang umunlad dahil sa mga taong imbes na tulungan kang makaahon sa hirap, hinihila ka pa paibaba?" may hinanakit kong sagot.

"Hahayaan mo ba silang hilahin ka paibaba at hindi mo makamit ang mga pangarap mo?" Napapikit ako nang marinig ang sinabi niya. "Tumingin ka sa'kin, mahal. At ipangako mo na magpapatuloy ka..."

Imbes na tignan siya ay pumikit na lamang ako at hinayaan tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinaghahampas ito, sinusubukan alisin ang sakit na nararamdaman.

"Paano ko gagawin 'yon kung dahil sa kanila nasasaktan ako ngayon? Paano ako magtatagumpay kung dahil din sa kanila, nawala ka sa'kin?"

Suntok sa buwan tuparin ang mga pangarap kung wala na ang taong kasama ko mangarap.

Suntok sa BuwanWhere stories live. Discover now