Entry #19

6 5 0
                                    

athlast


Nagtataka talaga ako kung bakit may mga itim na tila mga nunal sa mukha ng buwan. Nang akin itong mas nilapitan, lumipad sa malawak na kawalan tangay ang katawang magaan na parang papel sa hangin. Kaharap ang maliwanag na buwan para lamang akong langgam ngunit gaano man ako kaliit, mas malaki naman ang ibidensya na siyang nagsasabi ng katotohanan.

Sinong nangahas na gawin ito sa buwan? Kung sa malayo makikita itong itim ngunit sa malapitan ay malinaw na nakikita ng mga mata ko kung paano naghalo ang kulay na itim at lila. Hindi ang mga ito nunal kundi pasa. Bakit kaya nila nagawang suntukin ang buwan ng paulit-ulit?

Ang mga nito'y nanunubig pa habang may iilang butil na umaapaw sa kanyang mga mata na dumadaloy pababa sa kanyang panga. May namuong bula pa sa kanyang ilong, lumaki ito bago pumitok at tumilamsik ang mga malagkit na tubig- sipon?

"Bakit maparami ka tila pasa, buwan?" sigaw ko. Pinagdaop ko pa ang mga palad pabilog, upang madagdagan ang lakas ng aking boses.

Mas dumabong ang daloy ng mga luhaa sa kanyang pisngi."Ginawa kasi nilang literal ang isang metaporya lamang!" Napahagulhol na ito.

Suntok sa BuwanWhere stories live. Discover now