*6- HOY!

312 17 0
                                    


6- HOY!






[ HILLARY's POV ]





" Saan tayo uupo? "- Tanong ni Apple.

" Baka sa upuan? "- At shempre ako yan, binara ko na naman sya.

" Ay nako Hillary, oo alam kong sa upuan. Ang ibig kong sabihin ay wala nang pwedeng maupuan dahil parang puno na po. So saan tayo uupo nito ngayon? "- Pang tataray nya sakin. Haay nako eto na naman po si Apple. Masyadong seryoso,kaya ayaw kong binabara yan eh. Buti pa si Naome, sinasakyan yung trip ko kaso minsan napaka slow nya.

" Edi tumayo na muna tayo. You know para mag pag uso. Hahahaha! "- At tumawa pa si Naome. Sya ang pinaka kalog saming tatlo.

" Ikaw mag isa try mo."- Yan na naman ang serious mode ni Apple. Sus! Haay nakez!

" Tsurii nimin! "- Sabay pout ni Naome. Maka sabat na nga sa kanilang dalawa. Kanina pako di maka singit eh. =3

" Ayy nako,walang patutunguhan tong usapan natin guys. Ayaw ko naman sa room dahil boring at bawal ata."- sabi ko naman.

" Ehhh pano na yan? Nangangawit nako oh, tsaka yung Halo-halo ko matutunaw na."- Naome

" Mas lalo yung akin. "- Sagot ko.

" Hey. "- Napatingin naman ako sa likuran ko at bumungad yung sira ulong si Xander. Bakit ba sumusulpot tong lalake na to?!

" Bakit naka tayo lang kayo? "- Tanong nya.

" Ahh baka kasi hindi naka upo. "- Pambabara ko. Commonsense na kasi yun eh!

" Haha! Hindi ka pa rin talaga nag babago Keith. Yan yung isa sa mga minahal ko sayo eh."- Sabi pa nya. Abah! Loko to ah! Matapos ng lahat ng pang loloko nya sakin tapos may gana pa syang mag sabi ng ganyang salita? Ha-ha! How stupid! >__<

" Tssh. Ano ba ginagawa mo rito? "- Pang iiba ko ng topic.

" Canteen to diba? So baka kakain? "- At may gana pa syang mang bara ah! Sa bagay may point sya. Tsaka barado ako run ah. Sus! Bumawi lang yan.

" Tsssh. Di wow."- Bulong ko.

" Ayy nako. Hoy Xander! Ano ba kaylangan mo? "- Narinig kong sabi ni Naome. Yun oh!

" Ahh napansin ko kasi na wala kayong maupuan. So yayayain ko sana kayong maupo sa pwesto ko. Don't worry ako lang tsaka yung barkada ko ang anduon. "- Paliwanag nya.

Nag katinginan naman kaming tatlo. Paano kaya kung sumama kami? Eh kaysa naman nakatayo lang kami rito at di namin makakain yung binili namin. Ehh kaso parang? Ahm awkward? No! Anong awkward sinasabi ko? Hindi noh!

" Ilan ba kayo? "- Tanong ni Apple.

" Dalaw lang kami run. Ayun yung pwesto oh."- Saka sya tumalikod at tinuro ang pwesto nila nung kaibigan nya. Nakita ko naman yung pwesto nila.

" Uy. Sama nakaya tayo sa kanya. Kaysa nakatayo tayo rito at muka tayong kawawa."- Bulong naman sakin ni Naome. May point sya ang kaso ma pride ang lola nyo.

" Oo nga Hillary. Kakainin lang natin yung mga binili natin and then alis natayo pagkatapos. Nagugutom narin ako eh."- Apple.

" So ano? Sama ba kayo? "- Tanong ni Xander.

Pasimple pakong tinunggo ni Naome. Tsh! Akala koba galit sila kay Xander? Eh bakit parang ano...ayssshhh! Bahala na nga. Kakain lang naman kami tapos tapos na.

TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now