Torpe at Manhid [ EPILOGUE ]

556 25 10
                                    

EPILOGUE



[ ADRIAN's POV ]




" Grabe. Kapag kumalat yyang sakit mo, nako! Tsk. Walang maidudulot yan ng maganda insan! Pa opera kana haggat dipa lumalala."- Saka ako tinapik-tapik ng pinsan kong babae nasi Alex sa balikat. Nag lalakad kami ngayon sa corridor. Katatapos lang namin kumain sa canteen.

" Tsk. Kalokohan mo. Wala atang gamot para sa sakit nato eh. "- Sabi ko naman.

" Meron kaya! Lakasan molang ang loob mo, gagaling kana sa sakit nayan! "- Pag papalakas ng loob nya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil una sa lahat, tama sya at ang pangalawa ay wala nakong maisagot sa sinabi nya. Haaaays. Ano ba ang gamot sa sakit nato? Bakit madalas mga kalalakihan ang tinatamaan ng sakit nato?
Ano kamo ang sakit ko? Walang nang iba kundi ang...



Ang pagiging TORPE.



Ano ba pwedeng gawin para lang mawala to?! Puch@ lang! Sainyo masasabi ko, pero sa kanya? Isang malaking HINDI! Bakit kaya ganun? Simula nung naramdaman kotong pakiramdam nato naaano nakong makita 'sya'? Parang nahihiya ako na ano... Basta yun na yun.

Tapos lintek na babae nayun! Lagi nalang sya ang nasa isip ko. Minsan naman sa panaginip. Kapag nagkakatinginan kami lumalakas ang tibok ng letcheng puso ko kaya ayun iniwasan ko na sya at hindi yun sapat kaya nag palipat pako ng upuan. (Buti pumayag si maam. Pogi ko kasi! )
Hindi ako manhid para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nang mga yun. Hindi ko ginusto ito pero wala eh.

Gusto ko yung HILLARY KEITH ALACANTARA nayun! At isang napakalaking kasalanan sakin yun dahil putek! Pwede
namang iba, bakit sya pa?! Tsaka mali rin na mag ka gusto ako sa babae nayun, dahil may boyfriend na eh! Guguluhin kopa?! Tss.

" Oyy ano na? Wala kaman lang bang gagawin para dyan sa sakit mong yan? Yang katorpehan mo? "- Tanong ng pinsan ko nasi Alex nga.


Sa kanya kasi ako nang hingi ng payo dahil nahihiya ako sa iba. Baka sabihin eh kalalake kong tao nang hihingi ako ng payo! Tss. Dat pala nag padala nalang ako ng sulat sa palabas na 'Maynila' baka matulungan ako dun nung matandang lalake. Hindi ko kilala eh-- Teka nga! Kabaduyan ko talaga! Pati yung walang kaalam-alam sa kuwento nato dinadinadamay kopa! Dami kong alam! =______=


" Tsk. Yaan na. May boyfriend na nga yung tao eh. Tsaka daming mga babae dyan oh! Mas maganda pa dun! "- Saka ko sya inakbayan.


" Nako! Babaero! Hahaha! Pero ano nga? Wala nga? Hahayaan mo nalang silang masaya habang ikaw ay nag durusa? "- Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ang lalim ng tagalog! Natawa tuloy ako.


" Sus! Parang sya hindi ah! Mas malala nga sayo eh. Yung crush mo eh may gustong iba. Ang malala pa e-----" Tinakpan nya yung bibig ko at binatukan ng malakas. Tae masakit ah!


" Sige lang ituloy mo nang mapalitan yang muka mo ng alaga naming aso! "- Sabi nya saka nya tinagal yung kamay nya sa bibig ko. Grabe kaya ayoko nakikipag talo sa babae nato eh! Napaka amazona!


" Pusa nalang para cute."- Saka ko ginulo yung buhok nya at inakbayan uli sya. Sige lang Adrian, tawanan ang problema.


" Ginulo mopa buhok ko! Tss. Sige ha! Pusa kamo wah! "- Natatawang sabi nya.


" Oo ba! Ano? Ngayon na oh? Bilis! "- sabi kopa.


" Hahaha! Sige mamaya. "- Tawa pa nya. Habang busy sya sa pag tawa ay nagulat ako nang nakita ko si Keith na mukang tuod na nakatingin samin. Tatlo silang babae. Kaibigan nya malalamang. Peto teka? Parang may mali sa muka nya? Parang namumula? Tapos nakatulala pa habang nakatingin sa akin. Ayyyysh! Sige Adrian! Paki mo dyan? Tsaka dedmahin mo nalang! Kunwari hindi mo sya nakita.


TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now