*8- AWKWARD

319 14 0
                                    






8- AWKWARD




[ HILLARY's POV ]






Spell MALANDI?!
It's H-I-L-L-A-R-Y!! 
God! Bakit ko ba ginawa yun kay Adriano! Bakit ko sya kiniss sa pisngi?!! Peste naman kasi eh!  Nakasanayan ko na kasi kaya ayun!

" Nakakahiya! "- Saka ako dumuk-dok sa desk na nasa harap ko. After ng ginawa ko na ehem, kiss kay Adriano ay kumaripas ako ng takbo dito sa room namin. Buti nga walang tao kaya nasolo ko itong room nato.

Nakakahiya talaga ako! Ganun kasi talaga ako kapag masaya at nag papasalamat. Tsaka hindi ko naman sinadadya yun eh. Nadala lang ako sa saya ko kaya ko nagawa sa kanya yun.

Pero aaminim ko na ang laki ng naitulong nya sakin. Akalain mong matino pala yung mokong nayun?! Akala ko puro kayabangan at pang-aasar lang ang alam nun sa buhay eh.

Paano kaya kung balikan ko si Xander?! Ayy what? Nooo! As in NO! Ayako nga! Nadala nako.



*KRRIIINGGG!* 



Napa bangon ako sa pag ka yuko nang biglang nag bell. Yaah!  Time na. Hindi man lang ako naka kain ng maayos.

Mga nag si pasok na ang mga classmate ko.

" Shet oo nga pala."- Waahh! Katabi ko nga pala ang mokong! Magiging awkward kami! Luuuh! T_______T

Nakita ko na sya sa may pintuan at papasok na dito.

Kunwari diko sya nakita. Dedma lang Hillary okay?

Yumuko ako para di sya makita.
Hoho! Naramdaman kong naupo na sya sa tabi ko tapos wala na.

" Classmate! Wala raw si maam! "- Napabangon ang ulo ko dahil sa narinig ko. Wala si Maam?

" Sinong may sabi? Tsaka pano mo nalaman? "- Tanong nung isa kong classmate.

" Hindi raw nag turo si maam sa section ng Jade. Tapos wala rin sya sa faculty room  so it means na wala sya! Tara! Party party! "- At nag simula na silang mag ingay. May mga nag grupo-grupo at mga nag chikahan. May nag do-drawing sa blackboard, may mga kumakanta at ang ilan naman ay nag cutting.

Palihim akong tumingin sa gilid ko at naka duk-dok sya. Huuu! Buti naman!

Tutal wala akong masyadong close dito sa room namin at wala ako sa mood magipag chikahan ay baka dumuk-dok nalang rin ako at matulog.

Nag lagay ako ng earphone sa tengga ko at nag patug-tog sa cellphone ko saka dumuk-dok.

" ♬Midnight. You come and pick me up, headlights.  Long drive. Could end in burning flames or paradise~ ♩ "

Ganda talaga ng boses ni Taylor Swift!  Kaya idol na idol koto eh!

"♩Fade into view,  Oh! It's been a while since I have even heard from you. ♪"

Olalala!  Nakaka antok! Ang sarap pakinggan ng boses.
Since nangawit ako sa pag duk-dok ay binaling ko ang ulo ko sa kanan kung saan naka pwesto si Adriano. Buti nalang nakatalikod sya kaya yung buhok nya sa likod ang nakikita ko.Hmmm? Alipin ko nga pala sya. Walang silbi naman yun eh! Ni wala ng akong naiisip na maiutos sa kanya kaya ayan. Tch~

TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now