*9- MALL

289 17 1
                                    





9- MALL 






[ HILLARY's POV ] 







" Uy? Busy kaba? "- Tanong ko kay Naome sa kabilang linya. Nag uusap kasi kami sa cellphone.

[ Ahh di naman. Bakit? ]

" Mall tayo! Please! Boring dito samin eh, tsaka bonding bonding narin tayo nila Apple."

[ Boring nga eh. Sige mall tayo. What time? ]

" Now na! "

[ Ha? Ngayon na? ]

" Luka. Tinagalog mo lang."

[ Ehh di nga? Di pa ako nakagayak eh.]

" Pareho tayo. Hindi pa ako naliligo."

[ Ohh edi maligo na kaya tayo no? ]

" Oo na po. Sige text mo nalang si Apple. Duon na tayo mag kita-kita sa mall ah. Mag kalapit lang naman na kayo ng bahay kaya no worries na. Ge bye na."

[ Oo sige. Bye.]

*toot toot*

Haaayyy! Buhay. Today is saturday and this day is soooo BORING!  =__=

Tumayo nako sa inuupuan ko at saka ako nag handa ng damit para isuot ko. Gosh. Kaya ayaw ko ng sabado at linggo eh. Napaka boring sa bahay. Wala akong kasama. Si Mama at Papa ay nasa trabaho. Ako lang ang anak nila. Kaya buhay prinsesa ako dito samin. Pero wag ka! Marunong rin naman ako sa gawaing bahay.

Inihanda ko ang isang black short at isang color white na t-shirt na may logo ng 5 SOS. Fan ako eh.
Tapos rubber shoes ko na color black.
Ayoko ng masyadong pang girly porma.

Nag inat ako ng konti at tinignan ko ay orasan.

-----> 10:23 am.

So 10 palang pala?

Nag lakad nako papuntang CR at ready to go na nang nag tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito at tinignan.

----------

From: +6391*******

Good Morning!

JWUppp! •﹏•

Text?

Grp Msg.
*JAS

----------

Aba! Sino naman to? Nag GM pa ha! Wala akong kilalang Jas. Para malaman nireplyan ko.

-----------

To: +6391********

Hu u?

----------

Reply ko. After 30 seconds siguro nag reply.

----------

From: +6391********

JAS. :D
J-ohn
A-drian
S-mith

Save mo! :D

----------

Ah sya pala. Akala ko babae eh. Jas kasi. :3
Nireplyan ko naman.

----------

To: +6391********

K.dot

----------

TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora