*7-TSUP

350 17 1
                                    




7- TSUP




[ ADRIAN's POV ]





" Guys sandali lang, may kukuhanin lang ako sa room."- Pag papa alam ko sa mga kasama ko. Nandito nga pala kami sa canteen at shempre kumakain.

" Ano ba yung kukunin mo? "- Tanong ni Alex. Yung pinsan ko.

" Basta. Wait lang."- Saka ako tumayo sa inuupuan ko. Kinuha ko pa yung C2 ko at nag lakad paalis sa gawi nila

" Bilisan mo wah! "- Rinig ko pang sabi nila.

Ano ang kukunin ko? Yung cookies na na ginawa ko kaninang umaga. Maaga akong nagising at naisipan kong mag bake. Oo marunong akong mag bake, pero di ako ganun kagaling. Basta sanay lang ako.
So sayang naman diba, kung diko ishe-share sa kanila.Tsaka marami yung nagawa ko kaya diko kayang kainin ng mag isa yun.

Habang nag lalakad ako ay ininom ko yung C2 na hawak ko. Nauuhaw ako eh bakit ba? Tss. May naalala tuloy ako.
Yung score na nakuha ni Keith sa test kanina ay 2. Pffftt! Haha! Nagalit pa talaga sya sakin dahil 2 yung nakuha nya ah? Buti nga nag ka score pa sya dahil sakin eh. Tsaka di naman ako uto-uto para itama ang ilang mga sinagutan ko sa kanya.


" Oww! "- Habang nag lalakad nga ako ay may bigla nalang tumunggo mula sa likuran ko kaya natapon sakin yung iniinom kong C2. At yung tao nayun ay hindi man lang humingi nang sorry at tuloy-tuloy lang sya sa pag lalakad.
Sino namang walang modo gumawa nun? Napansin kong babae yung nakatunggo sakin gawa narin ng mahaba nyang buhok. Tsss. Kung di lang babae yan eh baka nasigawan koyan. Tsk. Putek ang lagkit!


Nag tuloy-tuloy nalang ako sa pag lalakad hanggang samay narinig akong sumigaw. Actually di naman malakas na sigaw. Yung sakto lang ba?


" Keith sandali." - Nilingon ko naman yung tumawag sa pangalan nayun at kilala ko to ah. Yung Xander ba yun? Ahh basta kilala ko yan. Sya yung tumulong kay Keith nung nadapa. Pfft! Tuwing naalala ko yun pag kadapa nya, diko maiwasang matawa. Ang epic kasi eh.

Pero wait? Keith? Si Keith kaya yung tinatawag nya. As in Hillary Keith?
Sinundan ko ng tinggin yung Xander at may sinusundan syang babae. Yan ata yung naka tunggo sakin kanina ah?

Nakita kona hinawakan nung Xander yung kamay nung babae at iniharap ito sa kanya. Abahhh! Si Keith nga! Teka? Si Keith? So meaning sya rin yung naka tunggo sakin? Wow! Just wow! Grabe sya pala yung walang modo kong sinasabi ah. Ehh muka naman eh.

So dahil sya ang nakatunggo sakin ay shempre bakit ko palalampasin to?!

Lumapit ako sa kanila at mukang nag kaka initan dahil yung mga tinggin nila sa isa't-isa.


" HOY! "- sigaw ko at nabaling ang tinggin nila sakin. Mukang nagulat pa nga eh. Tsss. Lumapit pako para masaya.


" Hoy Hillary Keith Alcantara! Alam mo ba ang ginawa mo? " Tanong ko at sya naman ay tinaasan pako ng kilay.


" Ahhh. Alin duon? Marami akong ginagawa eh kaya wala akong ideya kung alin duon. "- At may gana pa syang pilosopohin ako ah. Pero may point sya.

TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now