*15- BREAK UP?

289 16 1
                                    










15- BREAK UP?





[ HILLARY's POV ]


1 buwan. Isang buwan na ang nakalipas at malapit na siguro akong mabaliw. Dahil tae! Lintek na Adriano nayun! Parang baliw! Hindi nya na ako pinapansin, kinakausap o tinatapunan man lang ng tinggin. Ang nakaka irita pa eh nag palipat ng upuan kaya diko na sya katabi ngayon. Bwiset! Para nga lang akong hangin kung ituring nya eh. Grabe nakaka g@g* lang! Ewan ko! Basta na iinis ako.




*KRRIINGGG!*



" Okay class, time na. See you tomorrow and get ready for a quiz. "- Saka na tuluyang umalis si maam.

Recess na ngayon at parang wala na naman akong ganang kumain. Simula nung naging ganun si Adriano sakin parang nakakapanlata na ewan. Oo aaminin ko na na miss ko sya. Shempre kaasaran ko yun eh, tsaka kahit madalas akong mapikon sa kanya, na mimiss ko yun. Nakikita ko sya oo pero ako ba? Nakikita nya?

" Hillary may nag hahanap sayo sa labas. Kaibigan mo raw."- Tawag sakin ng ka-klase ko. Si Naome siguro yun at si Apple.

Tumayo ako mula sa upuan ko at lumabas ng room namin.

" Uy tara Hillary, sabay sabay na tayo sa canteen."- Bungad sakin ni Naome. Sabi na eh.

" Wala akong gana."- Sabi ko.

" Yah! Lagi naman eh. Tara na! "- Naome

" Oo nga tara na. Wag ka ng pabebe."- Sagot naman ni Apple. Pero bago pa ako maka sagot sa kanila ay hinatak na nila ako papunta sa may canteen.

Haaaay grabe, nakakatamad talaga ngayon araw--- I mean araw-araw.
Hindi narin ako nakakapag focus sa relasyon namin ni Xander. Para ngang walang kami eh.

Napahinto ako. Wait. Speaking of.

A-anong date ba ngayon?

" Bakit ka tumigil? "- Tanong ni Apple. Pero diko sinagot yung tanong nya

" Oy, anong date ngayon? "- Tanong ko.

Nag katinginan silang dalawa at nang salita.


" 7 "- Sagot nila at dahil duon nanlaki ang mata ko. Watapak! 7 napala! Bukas na ang monthsary namin ni Xander. Shesh! Bakit ko nakalimutan yuuun?! Wala pa akong regalo o plano para naman masuprise sya?!

" Uy? Bakit? Bat naging ganyan ang itsura mo? "- Takang tanong sakin nila Naome. Hindi ko nalang sila pinanasin at ako naman ngayon ang nanghila sa kanila papuntang canteen. Bahala na si Batman. >____<

Nakarating kami sa canteen at nag hanap agad kami ng mauupuan and thanks naman dahil nakahanap agad kami.

" Uy wala pa tayong kakainin. Bili na muna tayo."- Sabi ni Apple nun nakaupo nakami.


" Mamaya na. Guys monthsary na pala namin ni Xander bukas. Wala akog regalo o plano man lang."- Natataranta kong sabi sa kanila. Antae! Bakit koba kasi nakalimutan ang bagay nayun?!

" Hala ka! Bakit mo kinalimutan? Lagot na. Tsk tsk."- Pailing-iling na sabi ni Naome.

Napakamot ako sa ulo ko, shet! Ayoko naman kasi nang binabati kolang sya. Gusto ko yung may mga surprise man lang or mga ka echosan. Basta yung hindi namin makakalimutan.

" Nako Hillary. Tanungin nga kita. Mahal mopa ba talaga si Xander? "- Seryosong tanong sakin ni Apple. Pero parang umurong ang dila ko sa tanong nya. Ano bang nangyayari sakin?!

TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now