*11- SEEN

227 15 0
                                    

11- SEEN


[ ADRIAN's POV ]

Ano bang nangyayari sakin?! Bakit ba ako nag kakaganito? Putek!

" Mr. Smith? May problema ba? Nakakatakot yang tinggin mo sakin eh." - Nabalik ako sa tamang wisyo nang bigla akong kinausap ni Maam at napansin ko rin na nag tinginan sakin yung mga ka-klase ko.

" Ahhh nothing Ma'am. Sorry. " - Saka ko sya nginitian ng pilit.

Tumango nalang sya at bumalik na sya sa pag discuss nang kung ano man yung dini-discuss nya. Wala akong naiintindihan sa lahat ng tinuturo nya ngayon. Maski sa mga naunang subject kanina ay di ako nakapag concentrate.

Naiinis ako. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa mga nakita at narinig ko kanina sa labas. Gusto nyong malaman.

~FLASHBACK


Bumaba nako sa sasakyan nung nakita ko na nakalayo na si Keith. Putek! Ano ba yung pinag sasasabi ko sa babae nayun! Baka kung ano isipin nun eh.
Tsaka baka lumaki ulo nun!

" Ahh sir Adrian. Ang ganda po nung babae ah. " - Saka ako binigyan nang nakakalokong ngiti ng driver ko.

" Tsss. Ano maganda dun? Muka ngang halimaw eh. O sige na, una nako."- Sabi ko saka ako tumalikod at nag lakad papasok sa loob ng campus.

Habang nag lalakad ako ay may napansin akong nag kakagulo sa isang lugar.

" Gosh! Kinilig ako! "


" OMG! Sana ganyang yung boyfriend ko."

Napakunot naman ako sa mga narinig kong sabi ng mga babae. Tss. Ano na naman bayun? Dahil curious ako at gwapo ay pinuntahan ko yung lugar kung saan nag kakagulo.

" See? Pinsan ko sya Keith. Kaya kung ano man ang iniisip mo, wala yun. Nag papatulong kasi ako sa kanya para nga sayo. Gusto ko kasi na maniwala ka na talagang seryoso ako sayo." - mas kumunot ang noo ko dahil sa narinig kong kabaklaan na sinabi nung si Xander. Tsaka napansin ko na may mga naka white t-shirt at may mga letter sa bawat t-shirt nila.

" Sorrna? " - Basa ko. Ano bang word yun? Gumagawa ng sariling grammar ang mokong?

Kinalabit ko yung nasa harap ko at tumingin naman sakin.

" Ano ba yung Sorrna? "- Tanong ko sa babaeng diko kilala. =___=

" Ahh yun ba? Sorry na. Yun yun." - Saka sya ngumiti sakin.
Napa " Ahhh ge " nalang ako. Kalokohan! Sorrna? Daming alam! Pauso!

" So ano na Keith? "- Tanong nun Xander. Teka? Keith?

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Keith na naka tayo duon habang naka harap sya kay Xander. Whoa! So meaning sila pala yung pinag uusapan dito? Kabaklaan! Ano ba tong pakulo nung Xander?

Hindi nag sasalita si Keith. G@g* pala yung Xander nato eh! Minamadali si Keith? Hindi ba pwedeng pag isipin na muna ni Keith? Bigyan nya kaya ng panahon yun tao! Pwersahan ba?

" Uy girl! Payagan muna! "

" Oo nga! Wag na pabebe! "

" Oo nga! Oo nga! "

Rinig kong mga nag chi cheer yung mga tao dito sa paligid. Napa mura pa ako sa isip ko dahil may mga guro rin pala ditong nanunuod! Talagang pinlano?

"Wait Guys! Wag nyong pwersahan si Keith. Baka nagugulo natin yung isip nya. Hayaan nyo sya. "- Sus! May nalalaman pang ganun tong si Xander.

*Silence*

Medyo tumahimik yung paligid. Talagang hinihintay nila yung sagot ni Keith. Teka?! Bakit bako nandito?! Tsaka ano ba pake ko kung pumayag----

TPATP : Torpe at Manhid [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now