~5~ Cook For Me

261K 7.6K 495
                                    

~5~ COOK FOR ME

 

DUSTIN’S POV

 

Sabado ngayon. Supposedly, may klase kami ngayon pero dinismiss naman agad ng instructor namin dahil may appointment daw siya. Kaya naman eto ako ngayon, kasama ng best bud ko na si Wayne dito sa rooftop. Ayokong tumatambay sa karamihan ng tao. Ewan ko. Basta, gusto tahimik na lugar lang. =______=

“Dustin, na-contact mo na ang girlfriend mo?”

Bumuntong-hininga lang ako sa tanong ni Wayne. Badtrip naman kasi. Pagkatapos nung sudden call ni Jenine last Sunday, hindi na siya nagparamdam. Pakshet! Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang puntahan dun sa Florida, USA pero anong magagawa ko? Ni hindi ko nga alam kung anong exact address niya dun. =______=

“Then I supposed hindi mo siya macontact,” dagdag niya sabay akbay niya sa akin. Nakatanaw kami sa baba dito sa railings ng rooftop. “Ilang buwan mo na ba siyang hindi nakakachat?”

Napaisip ako. Ilang buwan na nga ba? “Last March nung huli kaming nagkachat. Kinongratulate niya ako nung nakagraduate ako. Tapos, ayun, nawala na siya. Bigla nalang siya nagparamdam last Sunday through call kaso naputol naman.”

Tinapik-tapik niya ang braso ko. “Dude, I guess it’s over. Aasa ka pa rin ba sa kanya? Ang layo-layo niya sayo. Malay ba natin kung anong ginagawa niya dun?”

I groaned on what he said. Nagsalita ang laging sawi sa pag-ibig. Hindi naman sa ina-underestimate ko ‘tong best bud ko. It’s just that, lagi nalang kasi siyang binebreak ng girlfriend niya. He’s not in the position to give me some piece of advice =________=

But on second thought, he’s somewhat right. Bakit nga ba naputol ng biglaan ang communication namin ng girlfriend ko? Halos gabi-gabi ko nga siya ka-chat noon eh. Hindi kaya nagsawa na siya sa long distance relationship namin?

“Yeah right,” I sighed deeply. “Kung ayaw niya na sa akin, then fine. Break na kami. I gotta go.”

Iniwan ko na si Waynepot dun sa rooftop. Okay, after 3 years, I’m back to being single. Kung ayaw na ni Jenine sa akin, edi ayaw ko na rin sa kanya. Simple as that. Madali naman siyang palitan eh. Ang daming babae dyan. Tss. =______=

Teka, lunch time na pala. Muntik ko ng makalimutan. Isasauli nga pala sa akin ni Chloe ang libro ko.

 

 

CHLOE’S POV

 

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon