~22~ Inspiration

194K 5.2K 975
                                    

~22~ INSPIRATION

CHLOE’S POV

Haaaayyy! Nakakabanas ang week na ito. Exams here and there. Exams everywhere. Nakakalugaw ng utak!! Mid-week na ngayon. So, obviously ay Wednesday ngayon. Sa bahay, ‘di ko muna pinapansin sina Warren at Sheen at ganun din naman sila sa akin. Well, hindi naman ako masyadong dinededma ni Warren. Actually, hinatiran niya pa ako ng midnight snack kagabi. Napapaisip tuloy ako. Tama nga si Momsie. Sweet si Warren. Hindi pati siya magagalitin.

“Ayoko na nga. Mamaya na nga lang ulit, sissy.”

“Sino ba kasing nagsabing mag-aral ka dito, Chloe? Pinapahirapan mo masyado ang sarili mo.”

Kasama ko ngayon si Kaye Anne dito sa bleachers sa soccer field. Actually, si Kaye Anne na ang madalas kong kasama. Si Gail kasi, masyadong busy kasama ng boyfriend niya.  Si Kaye anne naman, walang problema kasi single siya pero ang puso niya ay okupado na. At iyon ay si Nathan na ang turing sa kanya ay bestfriend lang. Ang tragic nun, dre. +___+

“Tinatamad kasi akong mag-aral. Pinupush ko lang ang sarili ko na magreview.” Sagot ko habang pinapasok ang libro sa loob ng bag ko.

“Hanap ka nalang ng inspiration. Mas madaling mag-aral kapag may ganun.”

Inirapan ko nalang siya. “Ano bang ek-ek yang inspiration na yan? Kadalasan, dahil diyan sa inspiration na yan tayo bumabagsak sa grades eh.”

Natawa lang siya. “Sissy, inspiration ang sinasabi ko. Hindi flirting and relationships. Dun talaga, nasisira ang pag-aaral.”

Tinignan ko siya ng makahulugan. “So, ang ibig mo bang sabihin masisira ang pag-aaral ni Gail kasi nakikipagrelasyon na siya?”

Mabilis niyang iniling ang ulo niya with matching hand gestures pa. “Hindi noh! Nasa tao naman yun kung kaya mong ibalanse ang pag-aaral at ang lovelife mo. Yung iba kasi, pinapriority ang lovelife kaya ang grades naman nila ang kawawa.”

“Ooohh,” I nodded my head in agreement. In fairness, may point siya. May pinaghuhugutan yata si Kaye Anne ngayon.

Tumayo si Kaye Anne mula sa pagkakaupo sa bleacher. “Sissy, nagutom ako bigla. Punta muna ako sa cafeteria ha? May papabili ka ba?”

“Blueberry muffin and orange juice, sissy.”

“Pera?” Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

Nagpout ako. “Ikaw muna ang taya, please? Wala akong cash ngayon. Magpapagasolina pa ako mamaya.”

“Haaayy, okay, fine.”

Nang makaalis na si Kaye Anne, nanuod nalang ako ng mga nagpapratice ng soccer sa field. Pero dahil hindi naman ako sporty na tao, hindi rin ako nag-enjoy sa pinapanuod ko. Ang tagal naman ni Kaye Anne. Saang cafeteria ba siya nagpunta? -_-

“Excuse me, miss…”

Nag-angat ako ng tingin. May isang lalaking maputi, makinis ang mukha (no pimples spotted), cool ang hairstyle, matangkad, buff ang katawan at huwag natin kalimutan sa description niya ang gwapo. Ang gwapo ni Kuya!! >////<

“Hi?” Nahihiyang bati ko. Aba, syempre, pa-girl ang peg ko!

Ngumiti siya sa akin at dun ko lang napansin na may inaabot siyang bouqet of white roses sa akin. OMG! Nawalan nga ako ng isang suitor, may pumalit naman! :”>

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now