~19~ Sa Akin Ka Nalang

232K 5K 433
                                    

 ~19~ SA AKIN KA NALANG

 

CHLOE’S POV

Kanina pa ako prepared para umalis papuntang E.H.U. Siguro mga nasa isang oras na akong nakatunganga dito. Okay lang yun, hindi pa naman ako late. Talagang maaga lang ako nagising para sana maaga ako makaalis ng bahay. WAAAAAAAAHH! Ayokong makasabay si Warren sa breakfast. Naiilang ako >.<

“Okay, Chloe,” bulong ko sa sarili ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko. “Hingang malalim. Dumiretso ka lang palabas ng bahay. Bilisan mo ang kilos. Huwag kang pahinhin para ‘di ka niya maabutan.” Pinatong ko ang kanang kamay sa dibdib ko. “Hoo! Aja!”

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko habang mahigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag ko. Sneak out ang peg ko! Medyo pa-tip toe pa ang ginawa kong paghakbang pababa ng hagdan habang nakayuko ang ulo para walang aberya.

Nang maiapak ko na ang dalawang paa ko huling step ng hagdan ay halos higitin ko na ang paghinga ko. May nakita akong two pairs ng black shoes sa harapan ko. Emergesh. Sino itechiwa? >,<

“Good morning, Chloe.”

Lunok. OMG. Sana pala kanina pa ako lumabas ng kwarto ko. T_T

“Ehe… hehe…” Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tignan siya. Nakangiti lang siya sa akin habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nito. Ooh-lala! Fresh-looking! “G-good morning din.” *insert alangan na smile here*

“Hinintay kita para sabay na tayong magbreakfast. Para rin sabay na tayong pumasok.” :)

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh~~ Hindi pwede ito! Hindi ako sanay. T_T

“Warren, ano k-kasi,” kung saan-saan pa ako tumingin. Akala mo naman makakahanap ako ng tamang salita na pwedeng idahilan sa kanya. “Nagmamadali kasi ako? Sorry ha? Hindi kita masasabayan sa almusal.”

“Ah ganun ba? Okay lang. Wait lang, hintayin mo ako,” sabi niya bago tumakbo papunta sa kitchen. Wala pang isang minuto ay nakabalik na siya dala-dala ang bag niya. “Sa akin ka nalang sumabay.”

O_O

Pabiro ko siyang hinampas sa braso niya. “Ano ka ba, Warren! Paano si Sheen? Diba sabay kayo pagpasok? Iiwanan mo? Wag na! Ehe… hehe…”

Kumamot siya sa ulo niya na para bang napahiya siya. “Mamaya pa naman ang klase nun eh. At saka pagbigyan mo na ako, Chloe. Sabay ka nalang sa akin.”

“Warren…” >3<

“Oh?” ^_^

“Diba nagjojoke ka lang kagabi? Diba hindi yun totoo?” Patago kong pinagkrus ang mga daliri ko. Uwaaah! Please, tell me it’s only a joke. >.< Pagkatapos kasi niyang sabihin sa akin yung chuchu eklavu na yun, bigla nalang nagsipagsulputan ang mga magagaling na housemaids namin. Ayan tuloy, hindi ako nagkachance na ipabawi sa kanya yung sinabi niya!

“Hindi ah.” *grins*

Nagroll eyes nalang ako at nilagpasan na siya ng lakad. Siya naman itong sinundan pa ako hanggang sa garahe. “Warren, tigil-tigilan mo ako sa kalokohan mo ha! Naiirita ako sayo!”

“Woah, bakit naman? Wala pa naman akong ginagawa ah.”

Tinabig ko siya ng braso ko nang humarang siya sa pinto ng driver’s seat ng kotse ko. Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos nun. “Eh kasi naman, Warren~ Magkaibigan tayo. Magkababata pa… Tapos bigla ka nalang manliligaw?” Naningkit ang mga mata ko nang mahagip ng paningin ko ang isang housemaid namin na nagdidilig ng halaman sa labas ng gate namin. Suspiscious yung paraan ng pagtingin niya sa amin. Para talagang nagmamatyag ng maichichismis. Tss. “I mean manliligaw sa bestfriend ko?”

Hot And Cold [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum