~29~ No More

186K 4.7K 356
                                    

~29~ NO MORE

 

CHLOE’S POV

Arrrgggggghhhh! Nakakainis! Bwist! Leche yang Dustin na yan! Makikita niya talaga ang other side ko! Ang lakas ng loob niyang manloko. Bakit? Nagsasawa na ba siya sa akin? Eh sana nakipagbreak nalang siya saka siya nangbabae. Hindi man lang niya inisip ang nararamdaman ko?!

“Kapal ng mukha niyaaaaaaaa!!” Naisigaw ko nalang sa sobrang inis ko.

“Chloe, huminahon ka nga.”

Hindi ko pinansin si Gail. Nagpasama ako sa kanya sa pagkumpronta sa bwsit na Dustin na yan! Aba, kahit maldita ako, kailangan ko ng back-up. Eh ang kaso, ang naisama kong back-up ay mahina rin sa bangayan. -____-

Hindi ko na namamalayan na napapaghigpit na pala ang hawak ko sa manibela. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit!

“Humanda ka talaga sa akin, Jimenez! Didikdikin kita ng pino! Walangya ka!”

“Chloeeeeeeeeee!!!” Sigaw ni Gail pero hindi ko pa rin siya pinansin. Focus ako sa pagdadrive. Bakit ba! “CHLOE, HUMINAHON KA NGA! BAGALAN MO LANG ANG PAGDADRIVE MO!”

… at dahil dun ay bigla kong inapakan ang break.

Pesteng luha ‘to! Bakit ko ba iniiyakan yung lalaking yun? Hindi ko dapat siya iyakan. Walangya siya! Ikinagwapo niya yata ang magpaiyak ng babae!

Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at kinalma ang sarili ko. Naramdaman ko namang hinaplos ni Gail ang likod ko. “Chloe, tahan na. Ang mabuti pa, puntahan nalang natin si Dustin tapos tanungin mo siya tungkol dun.”

Nagpakawala pa ako ng sunod-sunod na hikbi. Argh! Ayokong umiyak pero bakit ba kusang tumutulo ang luha ko sa lalaking yun?! Nag-aaksaya lang ako ng luha sa kanya! Hindi niya deserve ang tears ko. >.<

Inangat ko ang ulo ko at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Huminga muna ako ng malalim at…

Beep beep beep…

Sumimangot ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na busina sa likuran ko. Pagtingin ko sa side mirror, ngayon ko lang napansin na nakagawa na ako ng traffic. Nakalimutan kong nasa highway nga pala kami at nakahinto ako ngayon sa gitna ng kalsada.

“Chloe, magdrive ka na. Baka sitahin tayo ng MMDA dito.”

I sighed irritatingly. “Oo na.”

Pinaandar ko na ulit ang kotse ko ng tahimik. This time, hindi na ako nag-accelarate. Nakakabaliw! Kung ano-anong pumapasok sa isip ko na posibleng maging dahilan sa akin ni Dustin. Sana naman, nagkamali lang ako ng narinig kanina! Sana nagpaprank lang si Dustin. Sana! Sana!

“Gail,” mahinahong tawag ko sa kanya habang nagdadrive ako. “Gail, would it be possible? Gail, say no, please! Say no!!”

Nakita ko sa rear-view mirror na nagpout siya. “Let’s find out.”

Nakarating agad kami sa tapat ng condo unit ni Dustin. I thank this day dahil hindi traffic papunta dito. Parang nakisama pa yata sa akin ang pagkakataon. Nakaramdam ako bigla ng nerbyos. Kailangan kong maging handa. Hindi dapat ako maging duwag ngayon!

I breathed in and out. Lord, bigyan Niyo po ako ng strength!

“Gail, cheer me up!”

Minasahe naman niya ang mga balikat ko at chineer ako. “I’m cheering you. I’m cheering you. You can do it! Go go go power! Fight fight fighting!”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon