~12~ Pink Bunny

242K 6.1K 997
                                    

~12~ PINK BUNNY

 

CHLOE’S POV

Monday na. Medyo maraming assignments ang gagawin ko mamaya. Tsk! May mga araw talagang wala ni isang assignment, meron din namang sabay-sabay nagpapa-assignments ang mga professors. Hay nakoooo… Buhay-estudyante. (=____=)

Matapos ang ilang oras na klase ay dismissal na. Nandito ako ngayon sa harap ng locker ko. Nililinis ko ito dahil malanggam. Parang ewan lang… Nagtataka ako kanina kung bakit nilalanggam ang locker ko. Yun pala, may balat ng chocolate bar akong naiwan sa loob. Grabe, bat ko naisipang gawing dumpsite ang locker ko? Kadiri. ~_~

Pinunasan ko lang ng wet wipes ang loob nito tapos konting spray ng pabango ko and then tapos na. Pfft! Ayos na yun. At least, luminis na ito at bumango pa. ^_^v

Nang masigurado ko nang maayos na ang locker ko ay sinarado ko na ito. Pagkaharap ko, nagulat ako sa taong nakita ko sa kaliwa ko.

=________=

Sino pa nga ba?

“Diba sabi ko susunduin na kita simula ngayong week? Bakit hindi mo ako hinintay kaninang umaga?”

Yan ang bungad niya sa akin habang nakakrus pa ang dalawa niyang braso sa dibdib nito. Medyo naconscious naman ako sa mga tingin ng tao sa paligid namin. Kalurkey! Para akong pinapagalitan ng nanay ko sa harap ng madlang-E.H.U. Nakakahiya ah. -____-

“Anong ginagawa mo dito?” Pagtataray ko sa kanya.

“Sinusundo ka.” =___=

Tinaasan ko siya ng kilay. “Ows? Nagpapasundo ba ako?”

“Hindi. Pero yun ang gusto kong gawin.” =___=

Magsasalita pa sana ako nang kunin niya ang hawak kong textbooks. Tumabi pa siya sa kaliwa ko sabay tingin sa akin ng pagkalamig-lamig.

“Shall we?”

“Saan?”

“Sa mall.”

Aagawin ko sana sa kanya ang mga textbooks ko, but too bad, masyado siyang nag-aala-ninja. Iniwas niya agad sa akin. Arrggghh! Konti nalang talaga mabubugbog ko na ‘to! ~__~

“Ayoko nga! Ang dami kong assignments tapos dadalhin mo ako kung saan-saan?”

“Sasamahan mo lang akong bumili ng regalo para sa kaibigan ko. Wala akong alam sa ganyan eh,” sabi niya sa akin bago niya hawakan ang wrist ko. “Sumama ka na sa akin. May surprise ako sayo.”

I shot him my ‘Weh?’ look.

“Oo nga.” =___=

“Ano naman yun?” Mukhang ma-effort yata si Dustin manligaw. As if namang may pag-asa siya. Luh! Wala uy. I’m sticked to my golden rule.

“Kung hindi ka sasama, hindi mo malalaman. So, tara na?” =___=

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya papunta sa kotse ko sa car park. Nasanay na rin ako na ako ang naghahatid sa kanya. Baligtad noh? Kung sa bagay, nakuha ko naman ang logic kung bakit pinipilit niyang siya ang magsusundo sa akin sa bahay. Para nga naman hindi na ako magdala ng kotse sa gayun, kotse na niya ang gagamitin para maghatid sa akin sa bahay. Tss.

 Sinabi rin naman niya sa akin na hindi kami aabutin ng gabi sa mall kaya sasama nalang ako. Nagpapasama lang daw siya sa pagbili ng maireregalo sa kaibigan niya. Wayne daw ang pangalan.

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now