~42~ If You Only Knew

180K 4.3K 536
                                    

~42~ IF YOU ONLY KNEW

 

CHLOE’S POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis ang ngiti sa face ko. Yay, masaya lang talaga ako sa nangyari kagabi. Sana lang wala ng problema katulad ng dati. I mean, sana mabalik yung mga panahon na nakakapagdate pa kami ni Dustin na walang problema. Yung hindi patago… Yung carefree lang.

“Lalalalala~”

“Oh, Cha-Cha. Bakit mukhang masaya ka ngayon?”

“Nag-date po kasi kami ni Dustin kagabi.”

“Wow, naalala ko tuloy nung kabataan ko…”

Blah blah blah…

Habang nagkukwento si Momsie tungkol sa kabataan niya, kung paano sila naging magdyowa ni Papa, ako naman itong busy sa pagkain ng chocolate madness flavor ice cream ko. Sa ganitong panahon, ang sarap magkwento ng mga happenings sa buhay ko sa mga sissies ko, pero… err… kahit isa sa kanila, MISSING IN ACTION. Oh well, ikukuwento ko nalang sa kanila kapag nakabalik na sila ng bansa.

“—At ayun, araw-araw na akong niligawan ng Papa mo. Nagkacrush siya sa akin dahil sa galing ko sa paglalaro ng volleyball.”

“Momsie,” tawag ko sa kanya. “Maiba po tayo. Akala ko po ba uuwi si Papa dito ngayong buwan?”

Pinag-scoop muna niya ako ng ice cream sa bowl ko bago siya sumagot. Well, pang 3rd round ko na ito. Haha! Sarap eh. “Ahm, basta. Bigla nalang daw siya uuwi dito eh. Chloe, si Dustin… Gusto niya raw makilala.”

 “Excited na ako, Momsie. For sure, maiimpress din si papa kay Dustin. Sa tingin mo po?”

“Oo naman no’! Kung ako nga diba? Dustin’s a good guy indeed,” sabay thumbs up pa niya. Napangiti nalang din ako sa sinabi ni Momsie. Kung alam mo lang Momsie… Kung alam mo lang kung paano ako niloko ni Dustin. Buti nalang bumabawi siya ngayon.

Phone beeps…

Sabay kami napatingin ni Momsie sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa.  

“Oh, may nagtext sayo, Cha.”

For sure, si Dustin ‘to. Lagi naman eh. Pagkacheck ko ng message, nagulat ako sa sender na bumungad sa akin. Kung sino pa yung taong huling iniexpect ko, siya pa ang nagtext sa akin.

 

|Chloe, it’s me Jenine. I need someone to talk to. Can you meet me at the Pizza Plaza now? Pls.|

Pagkabasa ko sa message na yun, bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Sunod-sunod na tanong na ang pumukol sa isipan ko. Paano kung nalaman na niya ang tungkol sa amin ni Dustin? Paano kung kumprontahin niya ako dahil sinisira ko ang relasyon nila?

“Chloe, sino ba ‘yang nagtext? Bakit mukha kang nakakita ng multo dyan?”

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ko tinignan si Momsie. Bahala na. Kahit ayaw kong pumunta dun, pakiramdam ko, may nagtutulak sa akin na makipagkita sa kanya. Kung anuman ang pakay niya, haharapin ko ito.

“Momsie, aalis po muna ako.”

 

***

Sumakay ako ng tricycle para lang makarating sa Pizza Plaza. Medyo may kalapitan lang naman ito sa subdivision namin kaya hindi ko na kailangang dalhin pa ang kotse ko para makapunta lang dito. Ilang minuto na ako nakatayo dito sa harapan ng Pizza Plaza pero hindi ko pa magawang pumasok sa loob. Pinapakalma ko lang naman ang sarili ko. Sh*t! Oo na, guilty in charge.

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now