i. meeting each other

29 2 0
                                    

Penelope's POV

Shuckss! kinakabahan ako. Matagal tagal din akong hindi nakabalik sa mortal world. I think it's been 300 years nung last na naka punta ako.

"Penelope are you ready?" tanong ni Fairy Mother.

"Kahapon pa po Fairy Mother" pagtatapang tapangan ko.

Aiishhh hindi umaatras sa laban si Penelope. Over my beautiful and sexy body.

"that's good" sambit ni Fairy Mother at kinindatan pa ako. Tinaas nya na yung wand nya at biglang may lumabas na portal.

This is it pancit!

"Goodluck" dagdag nya at tinulak na ako patungo sa portal.

"AHHHHHH!!! AHHHHHHH!!" Aray naman nakakahilo pala to.

Dati naman kasi walang ganito mag lalakbay lang ng dalawang araw papuntang mortal world ngayon automatic na.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!"

*Boogsh*

Ang sakit nun ah. Mukhang mataas taas din pinagbagsakan ko.

"Fairy Mother naman!! ang sama moooo" sigaw ko at di pa rin tumatayo sa kinahihigaan ko. Mainit sya na matigas at magaspang.

*piiiipppppp*

"hoy babae! kung gusto mo magpakamatay wag dito. Nakaka abala ka" sigaw nung babae kaya agad akong napatayo.

Aiishhhh ano tong mga to? mga tumatakbong bagay!?

*piiiipppppp*

*piiiippppp*

*piiiiipppppppp*

Anong gagawin ko!? hindi ko alam anong dapat gawin. Nahihilo na ako sa mga ingay na nilalabas nung mga tumatakbong bagay.

Aray!! ang brutal talaga ng mga tao. huhuhuhi di ko to kakayanin. Ang huli kong nakita ay blurred na mga

tumatakbong bagay...

**

Nagising ako kasi naalimpongahan ako. Idinilat ko yung mga mata ko at..

ANO TO!!? BA'T PURO PUTI!!? NASAAN AKO!

At ano tong mga nakasabit saakin? Itong tela na nasa ulo ko? tong tubig na naka konekta sa kamay ko?

"Gising kana pala" biglang may pumasok kaya napalingiw ako sa gawi ng pintoan.

"Asan ba ako? ba't ako nandito?" sunod sunod kong tanong at bigla nalang syang ngumisi. Medyo gwapo sya ay teka hindi medyo GWAPO talaga.

"tsk. dalawang araw kang tulog" ha!? ano!? dalawang araw? eh sa sorcery world nga pagpikit ko sa mata ko ng isang minuto consider as tulog na yun.

At dito dalawang araw?

"Ba-bakit? anong nangyari?" nauutal kong sabi at tinanggal yung mga sagabal na nakasabit saakin.

No effect naman yan eh.

"it was an accident, nasagasaan kita" nasagasaan? ano yun?

"anong ibig mong sabihin?" tanong ko kasi nalilito talaga utak ko. Gulong-gulo.

"nabangga kita ng sasakyan?" sambit nya.

"anong sasakyan?" tanong ko nanaman.

"sasakyan hindi mo alam? tsk insane. Yung mga tumatakbo na di makina na mga bagay" pag eexplain nya at may kinuha sa bulsa nya na parang maliit na rectangle.

At bigla nalang itong umilaw.

"WOW!!" bulyaw ko.

At lumapit sa kanya habang nilalagay nya ito sa tenga nya. Tinignan ko ito ng maiigi. At hinahawakan pero iniiwasan nya naman ito. Aishhhh nakakainis na!!

"Wag ka ngang malikot!! kitang may kausap ako!!" bigla nyang bulyaw. Ano!? baliw na ba tong lalaking ito?

"BALIW KA BA!? KINAKAUSAP MO YANG UMIILAW NA BAGAY NA YAN!?" sigaw ko naman sa kanya kaya napakamot naman sya sa ulo nya.

"i'll call you later" sambit nya at kinakausap pa rin yung nasa tenga nya.

Ganito na ba kabaliw ang mga tao at pati mga bagay kinakausap nila? hayysssttt! buti at hindi ako naging tao.

Ako ay isang maganda, sexy, matalino, at perfect na fairy. Ang pinaka ayaw ko ay maging tao. Ang pangit kaya nun namamatay sila. Buti pa kami hindi.

*evil laugh*

"so miss anong pangalan mo? sa'n ka nakatira? at sino mga magulang mo?" napatingin ako sa kanya dahil sa mga sunod sunod nyang tanong. Syempre sasagotin ko naman mga tanong nya.

"So i'm Penelope, walang akong bahay at magulang" sambit ko at ngumiti ng malapad. Yung mukha nya ay nag question mark..,,uy hep hep hep alam ko kung ano ang period, question mark at comma. Kasi may school din saamin pero basic lang.

"wala kang magulang so sa'n ka galing?" nagtataka nyang tanong kaya pati ako nagtaka na rin.

Ang alala ko ay galing kami sa malaking itlog. Kapag may namamatay na fairy ay magiging itlog ito kaya mapapalitan agad. Oo tama! yun nga.

"remember Penelope, dapat walang makakaalam na fairy ka"

Biglang may bumulong sa tenga ko kaya agad akong nagbalik sa realidad. Shit! kailangang di nya malaman na fairy ako kaya dapat makagawa ako ng lusot.

Isip penelope isip!

"hoy! kinakausap kita" bigla nyang sambit pero di ko ito pinansin at nag iisip parin ng lusot. Aha! ito may naisip na ako.

"Nasa ibang lugar sila at bago lang ako dito" sambit ko at umiwas kaonti sa mga matatalas nyang mga mata.

Napakamot lang sya sa ulo nya na halatang nagtataka.

"ma'am here's your breakfast" sambit nung nakaputi at lumapit saakin na nakangiti. Wow! ang ganda nya naman at bagay na bagay sa kanya yung suot nya.

Nilagay nya na yung pagkain sa katabi kong table. At akmang aalis na sana sya. Ng hinawakan ko kamay nya. "ano po yun ma'am?" sambit nya at nginitian ako.





"ah..eh.. miss maganda ano yang colorete sa mukha mo?" sambit ko at nginitian sya ng malapad.





"ah.. tawag dito ay eyeshadow" sambit nya at tuluyan ng umalis. Ganito na pala sa mortal world ngayon? may mga ganyan ng bagay.





"tsk"





Napatingin ako sa gilid ng nakataas lang yung kilay nyang nakatingin saakin habang kumakain. "gusto mo?" tanong ko sa kanya.





"no thanks" sambit nya at umalis na, suplado talaga. -,-






Author's Kaartehan

So ano guys nagustuhan nyo ba yung first chapter ko? Sana subaybayan nyo pa po yung journey ng storyang ito. At kindly please don't forget the VCS guys. Thank you!

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now