ix. redeem me

10 0 0
                                    

Sebastian's POV







"excuse me mister officer pwede ko bang kunin yung asawa ko?" syempre maga-maga din sa mga mata na parang umiiyak para sincere 'kuno' yung pagiging asawa ko.







"ha? eh di ba pinakulong mo sya so hindi mo na sya pwedeng kunin" tumaas kilay ko sa sinabi nya.







"kaya nga sinusundo ko sya ngayon kasi mali yung ginawa ko kanina na pagpapakulong sa kanya" napakamot naman sya sa ulo nya. "nag away kami kaya gumawa ako ng rason para mawala na sya sa buhay ko at ngayon pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko sa kanya, kaya sana hayaan mo na kaming magkasama" dagdag ko pero yung mukha nya hindi pa tapaga kumbisido.







-_______________________-







"heto oh nanay nya" sambit ko sabay hila kay Kyle na nakadamit babae. Tangina mapicturan nga to mamaya!







"huhuhu mamang pulis pa-pakawalan mo na anak ko huhuhuhu" pag iinarte nya na namumuka yung mga mata at umiiyak pa. May talent pala tong ugok na to, pwede na tong mag artista HAAHAHAHAA!! ^_^







"psshhh" hindi ko mapigilang matawa dahil sa pagmumukha nya ngayon kaya agad nya namana kong siniko.







"sya! sya! at palalabasin ko na sya" sambit nung police at umalis na kaya agad naman akong na pa "yes"







"may utang ka talaga saakin!" halata sa boses nya yung inis sa pagsasalita kaya napatawa nalang ako haahaha!








"sir heto na po sya" singit nung police sabay hila dun sa babaeng galing sa ibang planeta. Bakas sa mga mata at mukha nya yung saya siguro nakita tong malaanghel kong mukha.







nabigla ako sa ginawa nitong katabi ko "anakk huhu anong nangyari sayo? namiss kita huhu" sambit nya na umiiyak at niyakap ito ng mahigpit. Hokage nito oh!







"haaa!? sino ka ba!? hindi kita kilala! wala akong mga magulang" pagpupumigilas nya dahil sa mahigpit na pagyakap ni Kyle. Putsspa tong taong to! mabuko pa kami eh baka hindi pa makalabas tong babaeng to at di ko pa makuha tong kwentas nya!







"Labidabs" tf, ang baduy ng cs. "sorry at pinakulong kita, pinagsisihan ko na yung ginawa ko sayo mahal na mahal kita" dagdag ko at siniko si kyle at hinila sya para makakalas na sa pagkakayap sa babaeng ito. Niyakap ko sya ng mahigpit yung mahigpit na mahigpit na parang mag asawa talaga.








Penelope's POV







Nung nakita ko yung mukha ni Sebastian ay parang nabuhayan ako ng loob kasi hindi nya ako pinabayaan. Blanko lang yung mukha nyang nakatingin saakin pero ako ay abot tenga na yung ngiti nang...







"anakk huhu anong nangyari sayo? namiss kita huhu" bigla akong niyakap nung babaeng parang lalaki at nagpapanggap pa syang nanay ko raw sya eh wala nga akong mga magulang.







"haaa!? sino ka ba!? hindi kita kilala! wala akong mga magulang" sunod sunod kong tanong dahil naguguluhan na din ako. Ang higpit ng pagkakayakap nya yung feeling mo na lumapat na halos lahat ng bahagi ng katawan ko sa katawan nya dahil sa higpit nito.







"labidabs" nanlaki naman mata ko sa sinabi nya, ano yun? hindi naman yung ang pangalan ko ah. Nakita kong hinila nya yung babae para makakalas sa pagkakayapak nya saakin "sorry at pinakulong kita, pinagsisihan ko na yung ginawa ko sayo, mahal na mahal kita" dagdag nya at niyakap ako kaya syempre napayakap na rin ako. Hindi nya talaga ako pinabayaan YEHEY SALAMAT NG MARAMI FAIRY MOTHERRR!!!







"sge officer aalis na kami ng asawa ko" mas lalong nanlaki mga mata ko sa sinabi nya, ano raw asawa? ako asawa nya? tinignan nya ako at pinisil yung ilong ko. Tangina namumula na yung pisngi ko!







"sge sir stay strong kayo ng asawa nyo, at sana wag nyo na syang ipakulong sa susunod kung mag away kayo" sambit nung police at tinapik yung balikat ni Sebastian. Hinawakan ng mariin ni Sebastian balikat ko kaya napalapit ako sa kanya.







"sge mauna na kami ng asawa ko" dagdag ni Sebastian at lumakad na papaalis dun sa kulungan. Nakasunod lang din yung babae na sinabing nanay ko raw sya.






Nung nakaalis na kami at nakalabas na dun ay agad na napalayo saakin si Sebastian kaya napasimangot ako. At nagtatalon talon pa ito sa tuwa pero yung kasama nya ay unti unting lumalapit saakin. Kaya agad akong napa aksyon ng ikinagulat nilang dalawa.







"hoy! hoy! ano yang ginagawa nyong dalawa!?" singit ni Sebastian na tumigil na sa pagtatalon at pumagitna saaming dalawa nung babae. Hinila na nya ako papasok dun sa tumatakbong bagay.







"bro dun nalang ako sa kabilang kotse" sambit nung babae at tumingin saakin at kinindatan pa ako. Ahh kotse pala tawag sa mga tumatakbong bagay na ito.







Binalot kami ng katahimikan kasi hindi rin nagsasalita si Sebastian kaya mas mabuti kung unahan ko nalang sya. "ah.. eh.. Sebastian ba't mo ako binalikan dun?" tanong ko.







"well nakakaawa ka kasi" simple nyang sagot at tinignan ako at binalik na rin yung tingin sa daan.







"iiwan mo nanaman ba ako?" tanong ko sa kanya kaya napatingin sa ulit saakin sabay hinti nitong kotse raw.





"no, you're staying with me"





"ha? anong ibig sabihin nun?" nagtataka kung tanong kaya bigla nalang syang napatawa.






"pwede ka ng sumama saakin"






0_____________________0

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now