iii. dancing fountain

12 3 0
                                    

Penelope's POV








Lumabas na ako sa hospital at kasama ko ngayon yung "nurse" yun raw tawag sa kanya dito. Sila raw yung gumagamot sa mga taong may sakit.






Wala naman kasi yan dati nung huli akong pumunta dito sa mortal world. Simple lang yun, walang mga taong dapat yan yung gagawin kundi lahat ng tao may karapatan na gumamot sa kapwa.






"sge..hmm.. ano nga pangalan mo?" tanong nya at hinawakan balikat ko.






"i'm Penelope" sambit ko at bigla nyang nilahad yung kanang kamay nya. Kaya nagsalubong naman kilay ko. Anong gagawin ko?






"nevermind" sambit nya at bahagyang tumawa at binaba nalang yung kamay nya "alam mo na cu -curious talaga ako sayo kasi ang raming bagay na hindi mo alam, pati nga tawag saamin hindi mo alam at kung saang lugar ka ngayon. Sa'n ka ba kasi galing?" nagtataka nyang tanong. Penelope dapat walang makaalam kong ano ka talaga "REMEMBER"






"ah kasi.. sge mauuna na ako ha" pag iiba ko sa usapan at napatango nalang sya.






"sge mag iingat ka" sambit nya.






"salamat sa lahat ng kabutihan na ginawa mo saakin" sambit ko at niyakap sya.






Tuluyan na akong umalis at wala pa akong ideya kong saan ako pupunta. Basta't lakad lang ako ng lakad, ni hindi ko nga alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko.






"ineng bili ka nito oh" sambit nung matanda na lumapit saakin at nilahadan ako ng malambot na tela.






"ano po iyon?" tanong ko sa kanya kaya nagbago naman mukha nya, yung mukhang nagtataka.






"ito ay pamunas" sambit nya kaya naisipan kong bumili kasi kanina pa tumutulo yung mga pawis ko.






"sge ali bibili ako ng isa, magkano po?" sambit ko.






"15 peso lang" sambit nya kaya kinuha ko yung pera ko at syempre alam ko naman yung mga numero. Kasi tinuruan ako nyan sa mundi namin.






**






Lakad lang ako ng lakad sabay punas sa mga pawis ko. "haystt nakakapagod naman, nagsimula akong maglakad may araw pa. Tapos ngayon gabi na" sambit ko habang kinakausap sarili ko. May nakita akong mga upuan kaya diretso ako umupo doon.






Ang rami namang tao dito. Ano kaya tong lugar nato? Aishhh! naalala ko may mapa palang binigay yung nurse saakin kanina. Kaya agad kong kinuha ito sa bulsa ng damit ko. "nandito ka lang pala"






Ibinuka ko iyon at hmmm.. ako ay dumaan sa may dito, at dito kaya ako ay nakaharap ngayon sa may malaking naka kural na may tubig sa loob. At may mga parang tubo na may lumalabas na tubig. So nandito ako sa...






*BLOGSHHH*






Napatingin ako at sabay paghulong sa panga ko. Wow! ang ganda mga kumukulay na tubig "WOWWW" lumapit ako at hindi pa rin nasasarado yung bibig ko kasi sobrang ganda talaga. Ang raming kulay.






Ang naaalala ko dito ay yung isang beses na pumunta kami sa rainbow. As in sobrang ganda nun at sumakay kami sa unicorn kasama ko si Caelan. Naalala ko tuloy kong gaano ako kasaya nung nasa Sorcery World ako. Walang problema at kasama ko yung mga kaibigan ko.






"Miss gusto nyo po bang magpapicture sa dancing fountain?" tanong nung matandang lalaki na may bitbit na gamit na nakasabit sa leeg nya.






"anong dancing fountain?" tanong ko sa kanya at nagsalubong yung kilay nya.






"yan oh yang mga umiilaw na tubig" sambit nya sabay turo sa umiilaw na napakaganda. Yan pala ang..






"ano nga po tawag dyan?"






"dancing fountain" sambit nya. ahhh dancing fountain pala yan. Ang ganda ganda ganda talaga. "so Miss magpapicture?" tanong nya ulit.






"ano po yung picture?" tanong ko ulit kaya mas lalong naningkit mga mata nya.






"nagbibiro ka ba miss? lahat ng tao alam yung picture kasi yun ang uso ngayon" parang sumakit na ulo ko sa mga pinagsasabi nya. "wag mong sabihin hindi mo alam ang salitang uso?" tanong nya ulit kaya napatango nalang ako.







"sabihin nyo lang po at papayag ako sa sinasabi mo kanina" sambit ko at nginitian sya ng malapad.






"so ang picture yan ay ngingiti ka lang dyan at kukunan kita at dito sa dala ko" sambit nya at tinaas yung dala nyang nakasabit sa leeg nya "na camera, dito lalabas yung picture mo na gawa na sa papel at pwede mo na iyong dalhin kahit saan" sambit nya at ngumiti yung parang nag success sya.






"eh ano naman po yung uso?" tanong ko ulit kaya napakamot naman sya sa ulo nya.






"haysss, iyon ay yung uso ngayon. Ito ang halos ginagawa ng mga tao" ahhh ganong pala. "at kami ay ang mga photographer, kami ang kumukuha sa mga picture" sambit nya kaya mas lalong naintindihan ko na.






"sge magpapapicture ako kuya" sambit ko at lumapit kaonti dun sa may riles.






"sge at ngumiti ka dyan" sambit nya sabay click nung camera raw nya. Kaya ngiti lang ako ng ngiti. "wacky naman" sambit nya kaya nagsalubong naman kilay ko.






"hayss di mo naman alam yan, sige gayahin mo ako" sambit nya at tinaas yung dalawang kamay nya at yung tatlong daliri nya ay binaba nya kaya dalawang daliri nalang yung naiwan. Yung parang letter V sya.






Ginaya ko ito sabay tingin sa camera at ngumiti. Binigay nya na yung papel na may mukha ko kaya syempre napa "Wow" ako ulit. Ang ganda ko pala.






"150 yan" sambit nung matandang lalaki. Kaya kinuha ko yung pera ko at binigyan sya. Luminawag naman yung mukha nya.





"salamat dito, pinahirapan mo pa akong magpaliwanag" sambit nito habang nakatalikod na nakasalita na umaalis na. Napangiti nalang akong nakatingin sa papel na picture raw tawag nito.






"ang saya talaga dito sa mortal world, kahit ang hirap mapag isa

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now