ii. don't leave me

26 2 0
                                    

Penelope's POV






Nababagot na ako sa kakahintay dito. Wala naman akong magawa kasi hindi pa bumabalik yung isa. Nang biglang bumakas yung pinto.






"oy, ba't ang tagal mo?" tanong ko sa kanya at lumapit sa kanya. Yung malapit na malapit talaga. Nanlaki bigla mga mata nya at bahagya akong tinulak. Pero hindi pa rin sya umiiwas ng tingin saakin. Kaya napapout nalang ako.






"tsk, by the way pwede kanang lumabas ngayon" sambit nya at nag dekwatro sa pag-upo. Kaya bumalik nalang ako sa higaan ko.






"ganon ba?" naliwanagan nakna ako sa sinabi nya. Yes makakalabas na ako dito at masisimulan ko na mission ko.






"sge, maghanda kana at nang sa ganon ay maihatid na kita kong saan ka man nakatira" sambit nya kaya napapout ako ulit. Kasi naman wala ako matitirahan dahil wala naman akong bahay dito.






Aalis na sana sya ng "ah..kasi..eh.." na uutal kong sambit at nagsisimula na namang magsalubong yung mga makakapal nyang kilay.






"ano!?" halatang naiinis na yung tono ng pananalita.






"hmm..kasi.." huminga muna ako ng malalim at ipinikit yung mga mata ko. Kaya mo yan! "sa totoo lang hindi ko alam kong saan ako pupunta" sambit ko at pilit na pumikit.






Yung kilay nya kanina na nagsalubong ay napalitan ng kilay na nakataas yung isa. Hindi mo na sya nagsalita at tinignan muna ako. Hinawakan nya tenga nya at nag crossed arms.






"so ano problema ko pa yun?" dagdag nya at bahagyang tumawa yung nakaka pang insulto.






"hindi naman, nagsasabi lang" sambit ko at yumuko kaonti. Susss! kung pwede lang sana kitang gamitan ng powers.






"Remember Penelope" Nang may bumulong saakin kaya timpi timpi nalang muna Penelope. Kaya mo yan okay!






"well, may liability pa rin ako sayo dahil nasagasaan kita" sambit nya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ng malapad. "kaya bibigyan kita ng pera at ikaw na bahalang gumastos nito. At wala na akong pakialam sayo" dagdag nya at may kinuha sa pitaka nya na pera at inilahad nya ito saakin.






Di ko ito ko kinuha at yung mukha ko ay parang binagsakan ng lupa. Paano ko na sya mapapabago at mapapasaya kung malalayo ako sa kanya.






*pout*






"stop pouting, it irritates me a lot" sambit nya at aalis na sana ng dali dali ko syang hinabol.






"pero hindi ko talaga alam pasikot sikot dito" sambit ko na nagmamakaawa. Pero wah effect.






"well, hindi ko na yan problema" sambit nya at tuluyan ng umalis kaya hindi ko nalang sya pinag aksayahan ng oras habolin kasi for sure hindi naman maawa yun saakin.






Bumalik ako sa higaan ko at kinuha yung pera. "Aishhhh" ang proproblemahin ko ngayon eh kung paano ako makaka survive dito sa mortal world na hindi ko alam sa'n ako pupunta.






*tok* *tok* *tok*






Napatingin ako kung saan galing yung ingay at sa bintana pala. Ibon na tinutuka yung salamin ng bintana kaya lumapit ako at binuksan ito. May inilagay ito sa kamay kong maliit na papel. "ano to?"






At tuluyan ng umalis yung ibon kaya sinirado ko na ito at bumalik na sa higaan. "mabasa na nga lang" at binuksan ko ito.






Dear Penelope,
Ito na yung huling pagkakataon
na makausap kita sa mga isip mo. At sana mag ingat ka palagi at sana magtagumpay ka sa misyon mo.

~ Fairy Mother ~






"huhuhuhuhuhu ba't ngayon pa fairy mother huhuhuhu kung saan kailangang na kailangan kita huhuhuhu" pag iiyak ko ng walang tigil. Kasi naman eh, hindi ko alam kong saan ako pupunta nito.






"ma'am tatangalin ko na po dextrose nyo" napatigil ako sa pag iyak ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ulit yung babaeng nakaputi.







"kayo pala" sambit ko habang pinapahidan yung mga luha ko.






"Oh ba't ka po umiiyak?" tanong nya at lumapit saakin at hinawakan yung kamay ko na may nakasabit na tinawag nya kaninang dextrose.






"ah wala to" sambit ko at tuluyan ng kinuha yung nakasabit saakin na may lumabas pang kulay red na kung ano. Aalis na sana sya ng lumingon sa ulit saakin.







"kung may kailangan ka sabihin mo lang" sambit nya at tumalikod na.






"ay ateng maganda may hihilingin sana ako" sambit ko at at lumingon ulit sya.






"ano yun?" tanong nya kaya lumapit nalang ako sa kanya.






"ahmm pwede bang makihiram ng damit at mapa dito sa lugar na to?" sambit ko at nginitian sya. Nagtataka pa yung mukha nya at bigla nalang itong ngumiti.






"sge na nga, hintayin mo ako dito at ikukuha kita" sambit nya kaya napangiti nalang ako. Hayss buti nalang at hindi pa rin ako pinapabayaan ni fairy mother.






Author's Kaartehan

Well, i hope chapter ii is quite fine pa's okay hahahaha by the way don't forget to do the VCS guys!

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now