x. personal assistant

6 0 0
                                    

Penelope's POV





"HA!? TOTOO BA YAN!? HINDI BA YAN JOKE!?" napatakip sya sa tenga nya dahil sa pagsigaw ko pero yung saya ko lagpas pa sa rainbow. myghaddd!





"Oo na nga"






"As in totoo na totoo na totoo talaga!?" paninigurado ko ulit kaya napakamot naman sya sa ulo nya. At tinignan ako ng pamatay na tingin kaya napa simangot nalang ako. Sungit nito, masaya lang naman ako.






"pag itong isip ko nag iba bahala ka na talaga sa buhay mo!" yung boses ng pananalita nya ay may halong takot kaya agad kong tinaas kanang kamay ko at nginitian sya ng malapad. Kaya agad na nagsalubong yung dalawang makakapal nyang kilay.






"wag kang mag alala, gagawin ko lahat ng ipagagawa mo saakin" pananampalataya ko kaya ngumiti naman sya ng mukhang proud na proud ( alam ko ang word na proud kasi palagi akong sinasabihan ni fairy mother nyan)






"mabuti ng malinaw" sambit nya at nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kotse. Pero wait ano ba talaga gagawin at tratrabahoin ko?






"Ahhh -- By the way i'm Sebastian Khan" pinutol nya yung sasabihin ko pero hindi sya nakatingin saakin. Alam ko naman pangalan mo hihihi pero bakit hindi nya sinali yung Isaiah? ganda pa naman pakinggan.







"anong sasabihin mo?"







"ahh... ehh... ano ba yung trabaho ko sayo?" tanong ko sa kanya at bigla nalang syang ngumisi. Baliw ata to o may tupak lang sa ulo...pero mukhang parego lang naman yun.







"you're gonna be my PA"







(myghadd! Sebastian tigilan mo na yang kakaenglish mo at mag nonosebleed tong bebe natin na walang urbanisasyon -_-)






Wow author grabe yung pang iinsulto mo saakin ha, minaliit mo kakayanan ko. Humanda ka saakin mamaya pag ako nakakakita ng libro mahihiya si Einstein saakin.






"anong PA?"





"tsk, personal assistant " sambit nya at hininto yung kotse. Lumabas sya at bigla nalang bumukas yung pinto nung kotse kaya agad naman akong lumabas at sinalubong ako nung babae kanina pero tinatanggal nya yung buhok nya kaya nanlaki naman mga mata ko.




"Ha? eh? ba-ba't mo tina-natanggal bu-buhok mo?" sambit ko na nauutal pa at bahagyang lumayo sa kanya. At baka alien pato (syempre alam ko ang word na alien kasi sa ibang world sila rin yung kinatatakotan namin kasi iba yung mga mukha nila)




"duhhh lalaki ako" sambit nya kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sya habang pinipisil yung mukha nya.

"sigurado ka talaga?" paninigurado ko kaya napataas naman kilay nya. Pareho sila ni sebastian mahilig sa ganya, masubukan nga mamaya.




"Halikan kita dyan eh, makikita mo talaga. naku!!" sambit nya naman kaya agad akong napa attras. Kasi sabi ni Fairy Mother kaya daw mas marami ang populasyon ng mga tao kasi pwede ka raw mabuntis kapag hinalikan ka nila. Hindi nga ako naniniwala dun kasi fairy ako at tao sya pero dapat rin akong manigurado.





"HOY! TIGILAN MO YAN!" singit ni Sebastian kaya agad namang napatawa yung babaeng naging lalaki at umalis napapasok don sa bahay. At sumunod naman kami ni Sebastian.




"ah ano Sebastian may itatanong sana ako" nahihiya kong sambit na para bang nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba o hindi na. yung ganon ba..





"what?" hindi pa rin sya nakatingin saakin at patuloy lang sa paglalakad.





"ano yung PA?" fairyyyy motherr wag naman sana syang mag sungiiitttt ulit huhuhuhu




"pinaganda lang ang personal assistant pero sa madaling salita alalay" narinig ko pang napatawa sya =_=




(ganyan talaga ang mga tao)




ahhh gets ko yun HA!? WAIT AKO ALALAY!? NO WAYYY!! pero hayss no choice naman ako kasi wala rin naman akong magagawa. Pero siguro mas mabuti na yun ng saganon ay makasama ko sya araw araw. At syempre para magawa ko na misyon kong mapasaya sya at malaman ang halaga ng buhay at ibigay ang isang napaka mahalagang hiling nagusto nyang mangyari pero sa tamang panahon pa kung saan handa na sya.

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now