vi. i found you sebastian

9 0 0
                                    

Penelope's POV






FAIRY MOTHERRRRR! tulungan nyo po akong makit sa si Sebastian huhuhuhu ang hirap na ng buhay ko, palaboy laboy dito sa kalsada at kahit saan. At gusto ko ng mag mission accomplished para makauwi na dyan sa Sorcery World huhuhuhu.






~kruuuu~






Gutom nanaman ako. "haysst" gani ba talaga dito sa mortal world halos taga oras eh nagugutom ka? kasi saamin madalas lang kami kumain kasi puro paglalaro at pagtratrabaho yung ginagawa namin para mapasaya ang mga tao sa mortal world.






Makuha nga yung mapa ko eh parang nalilito na ako sa mga kalye dito. Sa laki ba ng syudad na to ay impossibleng makita ko si Sebastian. Siguro si Fairy Mother na ang tutulong saakin.






Umabot ako sa isang malaki at mataas na gusali. Ano kaya ang meron dito? baka pwedeng makahingi ng tubig kasi uhaw na uhaw na talaga ako. Yung laway ko ay namimiga na.





Papasok na ako ngayon at sinalubong ako ng lalaking nakaputi at naka suot ng sumbrero. "hi po kuya" sambit ko at nginitian sya ng malapad.





"welcome to Campbell Five Star Hotel" sambit nito at nginitian ako kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Wow ang gara naman dito lalo na yung ilaw na naka sabit sa gitna nito na sobrang laki at kumikinang kinang pa.






Nakisabay ako sa mga taong naglalakad para hindi ako mawala. Hanggang sa sumakay kami sa kung ano na box na nag cloclose. Umandar na ito pataas kaya nagulat naman ako "woahhhh" at nag tinginan yung mga tao kasama ko sa loob.






"weird"






Tumigil na ito at nagsilabasan na yung mga tao kaya lumabas na rin ako. Napalinga ako sa paligid kasi puro pintoan lang ang nandito kaya nagtaka ako kung saan yung mga tao na kasama ko kanina.






Saan ba ako pupunta ngayon eh nakakalito yung mga daanan. Kaya bumalik nanaman ako sa box na sinakyan ko kanina. "paano ba to?" hinanap ko kung ano yung pipindotin o bubuksan.






*ting*






"psshhhh!" natumba ako sa gulat dahil bigla itong bumukas.






"hala miss okay ka lang?" tanong nung babae at inalalayan akong tumayo.






"ah..eh.. okay na ako" sambit ko at nginitian sya.






"sorry talaga kung nagulat kita" pag sosorry nya na halatang nag aalala.






"okay lang, gusto ko lang sana magtanong kong paano to gumagana" sambit ko na halatang nagulat sya sa tanong ko.






"aahhh.. hindi ka talaga marunong?" paninigurado nya kaya naningkit naman mata ko. Magtatanong ba ako kung alam ko?






"hindi talaga" sambit ko sabay iling iling kaya medyo tumawa pa sya ng bahagya. Nakaka insulto na sya ha!






"ganito yan pindotin mo lang tong bilog na to at kung hindi bumukas maghintay ka lang at ilang segundo ay bubukas rin yan. At kapag pumasok ka na may mga numero doon, alam mo naman siguro yang numero diba?" sambit nya kaya tumango naman ako, nabobobohan ba sya saakin? "tapos pindotin mo lang ang numero kung saang floor ka gustong pumunta o lugar kong saan ka gustong pumunta pero dito lang sa building na ito, so ano gets mo na?" paninigurado nya kaya tumango tango ako ulit. At napangisi lang sya.






"salamat talaga" sambit ko at tuluyan na syang umalis. May ibang taong mababait talaga.






Pinindot ko na yung sinabi nya at hinintay kong bumukas at bumukas na ito kaya pumasok ako at good kasi may isa akong kasama. Pinindot ko yung number 6 at syempre kumapit ako pag andar nya.






*ting*






Lumabas ako at nag ikot ikot pero puro pinto pa rin nakikita ko kaya maghahanap ako ng pintong bukas. At "hindi, hindi, hindi, hindi, hindi, GOTCHA!" sigaw ko at unti unting lumapit dun sa pintong nakabukas.






"may tao po ba?" sambit ko habang papalapit ng papalapit hanggang sa makapasok na ako. Ang gara naman dito, bahay ba to? Lakad lang ako ng lakad ng may marinig akong ingay.






"ahhh.. ohhh.. baby.. harder ..plea.. seee" ano kaya ginagawa ng taong ito? ba't sya umuungol? Pumasok ako at diretsong nanlaki mga mata ko. Hindi ko alam kong anong ginagawa nila pero..






nakahubad sila lahat 0_0






"SHIIITTT! WHAT ARE YOU DOING HERE!?" bulyaw nung lalaki kaya napatakip naman ako sa mga mata ko kasi hubat hubad sya. Wait, si Sebastian to ah. Sinilip ko ito at Oo nga hindi ako nagkamali sya nga.






"ahh..eh.. sorry talaga" sambit ko na hindi alam ang gagawin at kung saan ako pupunta. Dali dali syang nagbihis at iniwan yung babae na nakahiga lang dun na hingal na hingal pa.






"HALIKA DITOO!" kinaladkad nya ako papuntang sala nya at pinilit na umupo sa malaki at malambot na upuan. Napayuko nalang ako.






"BA'T KA BA PUMASOK DITO!?" tanong nya ulit pero pasigaw ito kaya for sure galit sya. Hindi ko alam pero bigla nalang humapdi mga mata ko. Nagkita nga kami pero galit nanaman sya saakin huhuhu.






"Sorry talaga huhu di ko naman sinasadyang makita kayong may ginagawa" pag eexplain ko pero nung napatingin ako sa kanya at halata namang nagulat sya. "sorry talaga"






"ikaw nanaman!?" sambit nya na nakataas pa rin yung tono pero di na kagaya kanina na nakasigaw.






"Sebastian come here" singit nung babae na naka kumot lang at pumalopot kay Sebastian. Naningkit naman mata ko.






"just please go home" naiinis na sambit ni Sebastian at tinulak pa ito. Buti nga sayo!






"but we're not yet done right?" tanong ulit nung babae. Ano bang tataposin nila?






"what a hoe!" sambit ni Sebastian at hinila ako papalabas nung bahay (kwarto ibig nyang sabihin) galit nanaman sya saakin. Pero hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy lang sa paglalalad kung saan nya ako dadalhin. Basta ang importante ay kasama ko na sya ngayon.






"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at nginitian sya ng malapad habang sumakay kami ulit dun sa box.






"sa prisinto"

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now