xi. housemate ni koya

9 0 0
                                    

Sebastian's POV




"Halikan kita dyan eh, makikita mo talaga. naku!!" agad akong napalingiw sa gawi nila dahil sa sinabi ni Kyle. tang*na baka sya pa makabinyag sa babaeng ito no way! eng eng pa naman to baka pumayag.





"HOY! TIGILAN MO YAN!" sigaw ko sa kanya at agad naman syang itinulak nitong babaeng ito. Alam nya pala paano mag inarte ha! eh hindi naman halata sa galaw at mukha nya. =_= Umalis na sya na nakangisi. For sure nanghipo yun, mukha pa non hindi mapagkakatiwalaan. Sumunod na rin ako kay Kyle at itong nasalikoran ko ay parang ang lalim ng iniisip. Ano nanaman kaya nasa utak nito?





"ah ano Sebastian may itatanong sana ako" tumaas naman kilay ko pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad.





"what" in a sarcastic tone.





"anong yung PA?" medyo nasamid ako sa tanong nya. Takte! seryoso ba sya sa mga tanong nya? Tinignan ko sya ng mabuti at parang totoo nga kasi naghihintay sya sa isasagot ko. Nilinis ko muna lalamonan ko at baka matawa pa ako.





"pinaganda lang ang personal assistant pero sa madaling salita alalay" napatango naman sya kaya nagpatuloy ako sa paglalakad ko. .





Pagkapasok ko sa bahay ko. Oo bahay ko to kasi akong bumili. Wala namang ginawa yung tatay ko kundi iwan at saktan kami ng nanay ko. Change topic na nga lang at baka mag MMK nanaman ako dito..





Iniwan ko muna yung babae dun sa sala at para ako naman makaipon ng energy. Humithit muna ako ng sigarilyo para pang pagaan ng loob. "bro ito ba titira yung bababeng yon?" tanong ni Kyle habang tumutunga ng beer. "gusto mo" dagdag nya pero tumanggi lang ako.




"siguro hanggang sa makuha ko yung kwentas nya" sambit ko sabay buga nung usok kaya napatakip naman sya sa ilong nya. Arte nito!





"kung sa ganon ay dito nalang muna ako titira" sambit nya sabay smirk at smile kaya agad ko syang tinalasan ng tingin. Manyak talag nito!





"mukha mo! umandar nanaman yang kamanyakan at kalibogan mo! hindi at baka magsabog kapa ng milagro dito. Ayaw kong madumihan tong bahay ko" sambit ko sabay buga nung usuko ko nanaman. Kaya agad syang napasimangot!





"bro okay lang na di ako dito tumira kasi pwede akong dumalaw" tumaas naman kilay ko. "pero yang pag bubuga mo ng usok saakin ang di ko matatanggap, pag ako nag cacancer patay ka talaga saakin" sambit nya kaya lalong tumaas kilay ko sa sinabi nya.





"mabuti para di ka na makapunta dito" sambit ko kaya agad naman syang napatawa.





"HEHEHEHE ikaw naman bro hindi mabiro sige gusto mo sabayan kita?" sambit nya kaya di ko nalang sya pinansin at hinulog yung sigarilyo sa sahig at inapakan.




"linisin mo yan" at iniwan na sya.





Bumalik na ako dun sa sala at umupo na, ipinahanda ko na ni Kyle yung kwarto ni --





"Ano nga pala pangalan mo?" pagkatingin ko sa likoran ko ay nanlaki agad mga mata ko. Ano nanaman kaya nasa isip nitong babaeng ito. O siguro feeling ko lang puro hangin laman ng utak nito.





"ano bang ginagawa mo!?" naiinis kong tanong.





"ha? eh ano nag iipon lang ng kaalaman hihihi" kaalaman? big word. Binaba nya yung libro na nakalagay sa ulo nya.




"Penelope" sambit nya at inilahad yung kamay nya. Oh alam nya pala yung ganon. Pero di ko iyon pinansin at kinuha yung remote at inon yung tv.




Nung pasekreto ko syang tinignan ay yung mukha nya ay bagsak na bagsak at napapout pa. Kumuha sya ng kung ano para itali yung buhok nya. Tinignan ko ng mabuti yung kwentas nya at ewan ko nanaman kasi ang hirap ng ialis yung mga mata ko sa leeg nya.





Makinis sya sobra kaya nga ang hirap isipin na wala syang mga magulang kasi parang alagang alaga naman yung pagmumukha tapos ang pupungay ng mga mata nya. Yung ilong nya okay lang din medyo matango at yung mga labi nya ay sing pula ng mansana. Basta sobrang ganda ny --




"aiishhh ano ba tong iniisip ko" sambit ko sabay kamot sa batok ko.





"Sino kausap mo?" tanong nya kaya tinaasan ko lang sya ng kilay.




"duh"

Half Blooded FairyWhere stories live. Discover now