Distansya

5.2K 54 1
                                    

Hindi ko inakala na ika'y magiging kaibigan,
Sa isang taong tulad kong mahirap maintindihan.
Ika'y laging nandiyaan sa tuwing ako'y nahihirapan,
Kaya't ako'y natutuwa dahil hindi mo ako iniwan.

Malinaw pa rin sa aking isipan ang unang araw ng ating pagkakakilala,
Isa sa mga araw na ni minsa'y hindi ko inakala.
Walang salitang pwedeng ilarawan ang pagpapasalamat ko kay Bathala,
Palagi kanang nasa puso ko't isipan kaya't memoryang palaging maaalala.

Hindi ako mangangako sapagkat gagawin ko,
Ang mga bagay na gusto mo'y ialay ko sa'yo.
Laging tandaan na ako'y naririto,
Kapag ang mundo mo'y gumuho, tawagin mo lang ako.

Magkalayo man tayo sa isa't isa,
Ramdam ko pa rin naman ang iyong presensya.
Kahit ilang milya pa ang ating distansya,
Isapuso mo lagi na mahal na mahal kita.

Tinta at Luha; Mga Tagalog na TulaWhere stories live. Discover now