Kalikasan; Ang Mahal Kong Ina

736 5 0
                                    

Ikaw ang nagbigay dahilan para ako ay may makapitan.
Nagbigay sa lahat ng aking mga pangangailangan.
Palagi ka ring nariyan,
Walang mintis, walang pag-aalinlangan.
Mula pagkabata hanggang inabutan na ng mahigit isang dekada,
Nandiyan ka, tila isang ina,
Hindi mo ako hinayaang mawalan,
Hindi hinayaang masaktan,
Inaruga, pinrotektahan at inalagaan,
Lahat ginawa mo, makamtan ko lang ang kaligtasan.
Ngunit sa pagtanda, hindi ko na namamalayan,
Ikaw na pala ay aking nasasaktan.
Mula sa lahat ng kalat na aking tinatapon kung saan-saan,
Ni hindi man lang kita matulungan,
Na sa ultimo maliit na basura, sana tinapon ko na lang.
At baka sakaling hindi kita nasasaktan,
Mahal kong ina, pasensya.
Pasensya sa lahat ng pagkukulang ko,
Pasensya sapagkat hindi ko masuklian ang mga ginawa mo,
Hindi kita inunawa na nahihirapan kana pala.
Isinisisi lahat ng mga nangyayaring masama,
Sa bawat ulan, lindol at init na nangyayari sa panahong ito,
Sayo lahat ibinabato ang mga reklamo.
Akala ko, pinabayaan mo na ako.
Akala ko, hinayaan mo na mahirapan ang anak mo.
Ngunit hindi. Hindi ko napansin na ikaw pala ang naghihirap sa mga maling ginagawa ko,
Na sana man lang, naisip ko rin ang kapakanan mo.
Sana inisip ko na napapagod din ang tulad mo,
Pasensya na kung hindi ko nagampanan ang aking trabaho,
Maliit na bagay lang iyon kumpara sa lahat ng iyong sakripisyo.
Ngayon, ikaw na ang nahihirapan,
Ikaw na ang unti-unting nasasaktan,
Walang nakakapansin sapagkat ang sarili lang namin ang laman ng aming isipan,
Inuna mo pa rin ang aming kapakanan.
Sana kumapit ka lang ina.
Hayaan mong masuklian ko ang lahat ng iyong mga ginawa,
At ang mga pagkakamali ay unti-unting maitama,
Sana hindi pa huli,
Sana mapagbigyan mo ako muli,
Na sana mapalitan ko ang sakit at pait,
Mahal kong ina, pasensya kung nagkulang ako,
Hayaan mong mabawi ko ang lahat ng paghihirap na nagawa ko sayo.

-
August 19, 2018. 9:00pm

Tinta at Luha; Mga Tagalog na TulaWhere stories live. Discover now