Hanggang sa Huli

3.8K 38 9
                                    

Pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magkakagusto sa aking kaibigan,
Natupad naman iyon; hindi nga lang natagalan.
Gusto mo siya at batid naman iyon sa aking kaalaman,
Kaya't hanggang maaga pa ay pinipiliit na kitang kalimutan.

Ngunit mas tanga pa ako sa tanga kung sasabihin kong hindi kita gusto,
Dahil alam kong niloloko ko lang ang sarili ko nang husto.
Sigurado na ako sa aking nararamdaman at hindi na ako nalilito,
Kahit ako'y nahihirapan ay hinding-hindi ako hihinto.

Naglalakad ako mag-isa at napadaan sa isang ilog,
Hindi inakalang makakapag-isip nang malalim at tubig mula sa mata ay biglang nahulog.
Sa sobrang sakit, hindi namalayan na sumama na rin pala ang aking uhog,
Mahal pa rin kita kahit na ako ay mauntog.

Alam kong darating ang panahon na ito'y iyong malalaman,
Sana hindi maapektuhan ang ating pagkakaibigan.
Tanggap ko naman na hindi mo ito kayang suklian,
May hihilingin ako at pagmamahal ko tungo sayo'y sana iyong hayaan.

Siguro nga, ganito na lang talaga kita kamahal,
Ngunit hindi ka makasama dahil pakiramdam ko'y napakaraming bawal.
Bakit ba ganito at napakaraming sagabal?
Sadyang presyo na lang ba talaga ngayon ang nagmamahal?

Sana isipin mo na narito lang ako,
Tutuparin ko naman ang lahat ng aking pangako.
Kahit anong papel man sa iyong buhay, iyon ay gaganapin ko,
Makasama ka't makapiling kahit buhay mo ay parang isang daang puro bako.

Pagmamahal sa iyo ay hindi mawawala,
Pasensya na kung ika'y aking naabala.
Natulala nanaman at napatingin na lamang sa mga tala,
Napangiti na lamang nang mapakla habang memorya'y naalala.

Ipagpaumanhin mo at ako'y lumalayo,
Narito pa rin naman ako at handang makinig sa iyo.
'Pag ika'y naiiyak, sasamahan kita at aalayan ng panyo,
Papagaanin ko ang loob mo at kapag kailangan mo'y bibigyan kita ng payo.

Tinta at Luha; Mga Tagalog na TulaWhere stories live. Discover now