Katapusan (Reverse Poetry)

818 4 0
                                    

Katapusan


Hindi ko na maintindihan,
Bakit nga ba ganito ang nararanasan?
Hindi sapat ang mga salita sa paglalarawan,
Sobrang sakit; 'yan ang tumatakbo sa'king isipan.

Kailan ba ito nagsimula?
Bigla na lang natutulala,
Gusto makipag-usap ngunit baka ako'y makaabala,
Huwag na lang; kaya ko pa pala.

Ipinikit ang mga mata nang dahan-dahan,
Hinangad na gagaan ang kalooban,
Inakalang humantong na ang sakit sa katapusan,
Mas naging kumplikado ang nararamdaman.

Sa oras ng kagipitan,
Wala na akong matakbuhan,
Tila ang lahat ng tao ay unti-unti nang nang-iwan,
Ano ba ang aking kasalanan?

Bigla na lamang nakaramdam ng kalungkutan,
Ang sarili ay hindi na maunawaan.
Iniisip kung ano ang posibleng dahilan,
Ang masaktan ba ay aking kapalaran?

Palagi na lang nagpapanggap,
Na kunwari, ako'y lumulutang sa alapaap.
Sa kaloob-looban, ako na'y hirap na hirap,
Paano paba lumaban para sa hinaharap?

Sapagkat walang magliligtas,
Gusto ko nang tumakas,
Ngunit wala akong lakas,
Nagpupumilit pumiglas.

Ang sarili lang ang maaasahan,
Ako'y napaghihinaan,
Saan ba maaaring kumuha ng kalakasan?
Gusto ko nang lumisan.

Balang araw, ako'y mawawala,
Magniningning kasama ang mga tala,
Sa wakas, mawawala na lahat ang sakit na dinadala,
Ang tulang ito ang magsisilbing huling alaala.

Marahil kayo'y mawawalan na ng balita,
Wala nang maririnig mula sa'kin ni isang salita,
Baka hindi na muling makita,
Kukupas din tulad ng isang rosas na nalanta.

---
Sana kayo'y maglaan ng oras upang basahin ang susunod na parte...

Una sa lahat, gusto ko mag-sorry sa inyo kasi ang tagal ko nang hindi nag-update. Naging sobrang busy kasi.

Pangalawa, medyo (slight lang talaga) nawalan na ako ng gana sa pagsusulat lalo na ang daming humihiram/humihingi ng mga tula ko :< I know na it's a good thing kasi nagandahan sila pero kasi yung iba, kahit na sinabi kong hindi pwede, pinush pa rin nila.

Sana naman, kapag sinabi kong hindi or bawal, huwag niyo na pilitin kunin or gayahin. Yung iba kasi iniisip nila na ayos lang dahil hindi ko naman mababasa. Hays. Huwag na guys, please? Salamat. :)

Lovelots xx

Tinta at Luha; Mga Tagalog na TulaWhere stories live. Discover now