Talunan (Reverse Poetry)

296 5 0
                                    

Unti-unting nilalamon ang isipan,
Iba't ibang negatibong kaisipan,
Pinipilit ko namang labanan,
Di ko na makayanan,
Gusto ko na lang itong sukuan.

Uuwi pa ring luhaan,
Lahat ginawa upang mapagtagumpayan,
Kung ano-ano na ang mga sinubukan,
Lahat na ng mga paraan,
Wala pa rin; isa akong talunan.

Sapagkat ako na'y napanghihinaan,
Saan o sino ang aking makakapitan?
Saklolo; ako'y inyong tulungan,
Paulit-ulit na sumisigaw ang aking kalooban,
Di naririnig; sila'y nagbibingi-bingihan.

Tinta at Luha; Mga Tagalog na TulaWhere stories live. Discover now