Matamis ngunit Mapait

1.8K 20 0
                                    

Sinabi ko sa sarili ko na maswerte ako kasi nakilala kita.
Sinabi ko na napakahirap nang maghanap ng taong tulad mo sa panahong ito kaya ika'y aking bibigyang halaga.
Sinabi ko na kahit na marami pa akong makilalang ibang tao, ikaw lang talaga.
Sinabi ko na kahit anong gawin nila, sa iyo pa rin ako pupunta.

Sabi mo, kapag ako ay nangangailangan ng kausap, ikaw ay aking lalapitan.
Sabi mo, kapag ako ay nalulumbay, yayakapin mo ako hanggang sa loob ko ay gumaan.
Sabi mo, kapag ako ay napapanghinaan ng loob ay lagi kang nandiyaan.
Sabi mo, kapag ako ay nahihirapan, nasa tabi kita at ako'y iyong dadamayan.

Naalala ko nanaman tuloy iyong ating mga memorya;
Mga bagay na nagiging dahilan ng aking nararamdamang ligaya.
Na alam kong kahit magkalayo tayo, maisip ko lang iyon, bigla na lang akong sasaya,
Dahil ikaw ang tipo ng tao na gagawin ang lahat at palagi na lang nagpaparaya.

Dinadalaw na lang ako palagi ng ating nakaraan,
Na kahit na alam kong masakit, ito pa rin ako at patuloy na binabalikan.
Tubig mula sa mata biglang tutulo nang walang dahilan,
Ganito na lang ba talaga kababaw ang aking nararamdaman?

Minsan, naisip ko na sana hindi na lang kita nakilala,
Sapagkat ako'y nahihirapan sa tuwing bumabalik ang mga alaala.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, ako'y napapatingala,
Tititigan ang kalangitan habang kinakausap si Bathala.

Nagpapasalamat ako dahil ikaw ay dumating,
Kahit papaano, ikaw ay aking nakapiling.
Sa buhay kong puro na lang hinanaing,
Hanggang dito na lang ba tayo at alaala'y ililibing?

Nakakadurog ng pusong makita kanang masaya sa piling ng iba,
Pero hahayaan na lang kita kaysa ako naman ay maging isa sa iyong mga reserba.
Mahirap kang abutin gaya ng mga talang bumababa,
Ang makasama ka ay mangyayari paba?

Tinta at Luha; Mga Tagalog na TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon